puede naman.
but why would you think of that? isn't the driver inside, where he can easily press the door lock button beside him? i am wary of locking a vehicle from the outside, with the engine running, and there is no one inside to do something in case the vehicle decides to do something we would be sorry for...
A little help. 2012 Innova D4D AT
Baka may alam po sa inyo kung saan makaka-bili ng O-ring para sa Vane Pump? Dun kasi sa repair kit walang kasamang O-Ring para dito. (see attached).
TIA!
bro, kung wala na nga talagang makuhang saktong size ng o-ring nyan e meron naman yung o-ring kit ng wurth. kukunin lang yung circumference then puputulin lang from the o-ring stock atsaka ididikit both ends to form a ring. parang style sinulid.
or pwede naman aerobic sealant like silicone in place of the o-ring. or yung anaerobic sealant gaya ng threebond.
Mukhang may nadiscover na naman akong leak sa 2012 innova ko. Mukhang rear main oil seal kasi may langis dun sa pagitan ng engine at bell housing ng transmission.
Meron ba makapag-recommend ng reputable shop na nagda-diagnose at reliable na nagbababa ng a/t transmission in case kailangan nga palitan yung oil seal?
Mukhang napatakbuhan ako nung seller ng sasakyan eh.. Tsk!
Thank you.
nabili nyo ba sa buy & sell agent yung sasakyan nyo sir?
engine oil, atf or diesel fuel na may kasamang dumi ba yung leak? kadalasan may removable cover sa bandang ibaba ng bellhousing para makita kung sa trans or engine galing.
kung hindi engine rear oil seal or transmission front seal, maaring valve cover gasket, freeze plug sa may likod ng cylinder head, cylinder head gasket or kahit anong oil line.
kung minsan yung leak e galing sa harap o kahit anong parte ng makina tapos gagapang yung leak papunta jan sa likod ng makina (harap ng trans).
pwede nyong iconfirm by yourself, as long as willing kayong pumailalim sa sasakyan......
oo nga..
..beginning to sound like a "tired engine" there.. or an (gulp!) overheated engine..
BUT, it could still be just a simple case of worn gasket or loose screws..
like mike says, inspect well your vehicle. the problem might not be what you expected.
and yes.. a dirty shirt is cheap, compared to a worn engine.. bring a strong flashlight, spare clothes and a cap, when checking out a used vehicle. and a magnet!
wag kalimutan ang safety glasses!
parang yung huli kong nirepair na innova ng kakilala ko. nung binuksan ko yung sira at lumang fan clutch, may nilagay na sapi na gawa sa tire interior sa loob ng clutch. parang nagsisilbing diaphragm. kokonti na nga lang ang silicone oil. kako mukhang may history ng overheat. tapos yung valve cover gasket e mukhang gastado na rin. 150k plus kilometers pa lang.
Yes sir! Been doing our car maintenance since mid 90's he is an ex saudi mechanic and been a mechanic for 30yrs already. If you would read a recent post by one tsikoteer at the nissan exalta club thread here that might help you decide sir. For me i highly recommend him.[emoji4]
Oo sa buy and sell ko nabili pero wala siyang show room.
Before ko binili chineck ko mga fluids. Atf niya red pa, malinaw din brake fluid at psf. The only thing na medyo due na for change is the engine oil kaya immediately pagkakuha ko nagpachange oil agad ako and dun ko nadiscover yung leak dun sa vane pump nung inangat na yng sasakyan..
Sa celica araneta (tru car) ko ko pinabukasan yung vane pump then nakita ko na walang o-ring na nakalagay kaya nagli-leak.
As you have mentioned, possible nga na baka dun lang galing din yung mga langis na yun. And I am hoping na that's really the case. Modelo pa kasi yung oto e 2012 model and 58k pa lang ang mileage para magfail na yung main oil seal niya. Bukas ipalifter ko ulit sa celica to check for leaks and ipakita ko na dun sa may bandang teansmission para maconfirm.
Salamat sa mga inputs mo sir.