yup pati ung stock mags 14k :D
got my toyota hilux G 2weeks ago.. so far so good.. nibenta ko na strada ko.. medyo nanibago ako coz may makaldag ang hilux pero pag dating sa kargahan wala ako masabi sa hilux.. talgang matatag nde tulad sa strada pag kargado na nawawala na ang porma dahil masyado malambot ang molye. in terms naman sa speed halos parehas lang and sa fuel consumption parang mas matipid strada. sa tibay naman malaman ko pag nagamit ko na ng husto. sa strada kase madami lagi nasisira tuwing akyat baba ko ng bundok hehe...
Congrats bro, great to hear from you, its was june when you last posted in our boards its good you got a new workhorse, don't worry you Hilux won't fail you, but if it does kindly share your experience so that the group would learn from it....
More Power to Hilux Bros...
medyo naging bz sa operation kaya ngayon lang ako nakabalik ng manila hehe... nanibago nga ako kse madami na sasakyan.. nde tulad sa bundok panay puno lang nakikita ko.. napansin ko lang dto sa hilux is parang masyado ata mababa yung pinaglagyan ng air filter? hindi ba delikado yun pag tumatawid ng malalim na ilog? masarap sa hilux is pag nag drive ka feeling mo ang taas mo talga unlike sa strada ko dati parang nasa sedan lng ako.. dto sa hilux feel na feel mo na macho ka.
![]()
di naman siguro bro kasi ung hilux namin nastranded sa baha almost sa hood na ang tubig ok naman
Talagang workhorse ang hilux. Since nasa bundok ka lagi, masarap i-set-up yan pang off-road. Firstly, dapat change tires ka, mud terrains mga 32 inches (235/85r16, tall and thin). Tapos, maglagay ka ng snorkel para confident ka sa river crossing (hanapin mo rin kung saan yung ECU). Huwag mo ring kalimutan yung differential and transmision breather hoses para di rin pasukan ng tubig. Later on, kung naiinis ka sa ride, magpalit ka ng shocks at mag-lift ka, mga 2-3 inches (OME is good kung palit pati springs). Tapos nun, ARB winchbar with sidebar, ARB lockers, winch.....etc.![]()
Sir drave, mga estimate ninyo po magkano gagastusin ko kung i-setup ko yung hilux ko? para mapag ipunan ko. may shop po ba kayo? regarding sa breather hose ng transmission and differential ako ba ang maglalagay non? mag hanap nga ako ng pwedeng iswap sa tire ko sa sinabi ninyo na tires...
*patriarch sensya na nakalimutan ko bawal ang text lingo hehe
Firstly, wala akong shop, bro. Mahilig lang sa upgrade. Secondly, wala akong new gen hilux at luma na yung sa akin. Nagbibigay lang ng suggestions para ma-enjoy mo lalo yung ride mo.
Pero here goes...
1. tires - hindi ko alam kung kakasya yung 32 inch size sa hilux kasi maliit yung wheel well, pero manipis lang siya kaya baka magkasya din. Tall and thin ang maganda sa putik sa pinas kasi huhukay ng konti para sumayad sa matigastigas na lupa. Mga 7-8k each siguro yung price.
2. snorkel - mga 15k, Safari brand. Order ka sa Rats, mga 2-3 months ang hintay. Meron generic na mas mura pero mahirap humanap.
3. breather hose - hindi ko alam yung pwesto doon sa new gen, pero posibleng meron na. Kung wala, pwedeng DIY using automotive rubber hose.
Yung ibang upgrades, mahal na masyado. Kung gusto mo, pumunta ka sa 199 OffRoadHouse, sa Manila, para magpa-estimate. Magaling sila. May website din sila para makita mo yung mga ginawa nila.
thanx sa mga tip.. will save up money para makapag upgrade ako... post ko picture ng hilux ko pag na setup ko na..
Hi guys, ask ko lang if the 2.5 engine of hilux E ok for hi-way run and sometime loaded with not so heavy cargo. I checked the specs and 102 HP lang pala...I like the unit mag wheels lang ang kulang but with the 102 HP....ok lang ba?
mga sir, just got my new hilux g 2.5 mt lithium from toyota alabang.
welcome po sana ako dito..![]()
has any of you here replaced your shock absorbers? i was told that wala daw rancho shocks for our front i'm planning to have
mine replaced with rs 5000 pero sabi rear lang daw meron
regarding the capabilities of 2.5 L hilux even its 102hp it would be enough for a highway-run & loading a light load, it would even run up to 180kph with that engine.
if you could remember back in the day 90's pickup engines range from 79hp to 100+ hp only & they were hauling heavy loads, diesel engines have lots of torque & it give great pulling power...
this is just my two cents
more power to the hilux club
Good day! matagal na ako nagiisip ano pwede gawin para gumanda stance ng hilux E (2007 Model) ko, stock mags niya kasi is 15" Innova mag wheels, hindi proportionate sa body. Ano kaya ok gawin? if papalitan ko lang ang series ng goma, ano ok ipalit? If papalitan ko naman yung mags? pwede ba mags ng 2006-2007 rav4 ilagay ko? 16" Yun tas 5 holes lang diba?