
Originally Posted by
meledson
Pag sinabing walang lead (unleaded) walang halong tingga ang fuel. Ang tingga kasi ay ginagamit na lubricant para sa piston and cylinder ng makina. Basically phased out na ang mga leaded gasolines (pero sa povinces ay mayroon pang "regular" fuel). Clean air act?
Ang petron XCS, caltex silver, caltex gold, shell unleaded, etc are all unleaded fuels. Ang pinagkaiba lang are additives pang palit sa lead and other stuff. Of course, depende sa blend ng fuel ay ang octane rating.
Ang Avanza J (di ko lang alam sa 1.5 G) ang minimum requirement ay unleaded na 89 octane. So ang 93 octane na typical fuel dito sa atin ay ok na ok na sa rides natin.
I have been using 93 octane unleaded fuels sa Avanza ko. Dati sa shell (unleaded) now sa caltex silver. Walang effect sa akin kung Caltex Gold (premium fuel ng caltex) ang gagamitin ko.
Dahil sa may electronics ang engine natin, puwedeng mag adjust ng timing automatically. Iyon lang nga di ko alam kung kaya ng engine natin na ma take advantage ang mas mahal na fuel. Sa pagkakaalam ko, fixed ang compression ng engines natin.