Quote Originally Posted by zaido View Post
gaano po kadalas palitan ang timing belt ng suzuki esteem wagon? saan po po available if ever? magkano po price? thanks...

Pag orig yung timing belt na ikakabit ko, mga 80k kms bago ako magpalit uli. If replacement nasa 60k kms lang.

OEM timing belt natin nasa P3k plus. OEM Honda timing belt yung last na ginamit ko. Nasa P1.5k lang sya. Medyo mas malapad lang yung sa Suzuki timing belt ng ilang millimeters pero parehas lang kapal at ipin. Pag nagpalit ka ng timing belt idamay mo na cam/crank seal (P500) at tensioner bearing (P650). If may budget ka, isama mo na water pump para isang labor na lang. Nasa P1.3k lang water pump.

Sa Piyeza along Zapote ako nagpapalit. Nasa P1.2k lang labor nila. Since di sila umorder ng parts, I'm guessing na di ka naman mahihirapang maghanap. Malamang meron sila sa suking talyer at auto parts mo.

HTH!