Quote Originally Posted by marion2 View Post
Yung mga coilover tulad ng Tein, BC, Maxspeed, D2, Megan Racing, etc. bale pwede ko galawin yung settings nila yun ba yung tinatawag na "dampere setting" para maset ko kung paano ang magiging laro nila pag daily driven at minsan track?
hindi po yung damper settings o yung adjustable damping feature ng coilover ang nag dedetermine kung pang araw-araw o pang race siya. yung spring rates ang nag didictate nito. kapag bibili ka ng coilover, tatanungin ka nung nag bebenta kung anong spring rate ang need mo para sa front at para sa rear.

kadalasan in kg/mm ang unit of measurement ng stiffness nito. sa totoo lang, nasa tao/driver lang yung feeling na "matagtag", sa iba matatag pero sa iba naman hindi. kumbaga, nasa preference mo yan paps.

pinaka the best na gawin, test drive ka ng same model ng sasakyan mo na naka coilover suspension.

kung pang daily, the best pa din ang gas shocks plus lowering spring combo.