Hi mga boss, lately may naririnig ako sa sasakyan namin na knocking sound na parang naggagaling sa kaliwa pag lumiliko pakaliwa. meron din sa kanan na side pag lumiliko pa-kanan.

dagdag ko lang, few months ago, nagpapalit ako ng wheel cylinder, breakpads, break shoe. nagpa-wheel allignment din ako, camber correction. nagpalit din ako ng rock end (tama ba?) suspension bushing. nagpa change oil din ako and tune up. lahat yan nung february this year. Ford Escape 2005 yung sasakyan namin. pagkatapos nyan. napansin ko, may kabig pakaliwa. and may kumakatok sa ilalim pag dumadaan ako sa humps or lubak. so nung binalik ko, may inadjust sya sa gulong-ilalim na part (nakalimutan ko na kung ano) umayos naman after ilang adjust at road test kami. pero yung kabig nandun pa din. so ang ginawa nya, pinagpalit nya yung front tires. left wheel to right (vice versa). nung nag road test nasa kanan na yung kabig. so sabi nya, sa gulong na daw yun. hindi daw kasi pantay yung kain ng gulong. sabi ko, makakasira ba kung hindi muna ako magpapalit. sabi nya hindi naman daw.

ngayon, naisip ko na baka kaya may mga knocking sounds akong naririnig sa kaliwa at kanan, baka may kinalaman sa kabig or sa hindi ko pagpalit ng gulong. Ano po ba ang masa-suggest nyo na dapat at pwede kong gawi. taga bacoor po ako.

Thanks in advance po.