Sa mga mag pa check up ng strada.. request nyo na buksan yung EGR for cleaning. Sa akin kasi may nagadvise na mekaniko na pabuksan ko dahil dito na iipon yung carbon deposit.. from engine to intercooler then back sa manifold, kaya strainer ito ng carbon. supposed to be na 2 inches yung diameter ng EGR upon opening mga 2 cm nalang ang butas at tumigas na carbon ang andun.. kailangan pa ng small grinder or polisher para matangal yung carbon deposit sa EGR. pag hindi natanggal siguradong sira ang EGR nyo. Lalo na dun sa malapit na mawala sa warranty. sana makatulong ito sa inyo
