Sir castrol_mb100 sir saan po kayo nakabili ng SECO na brand po ng Clutch assembly?
Sir castrol_mb100 sir saan po kayo nakabili ng SECO na brand po ng Clutch assembly?
Musta na mga ka MB? long time no posttanong ko lang mga sirs ano kaya problem ng temp. gauge ko? lagi kasi nakababa as in di sya gumagana pero kapag pinipitik ko yung instrument panel gumagana na ulit sya. does anyone here has encounter same as mine?
btw, sir pogz iyo ba yung mb na nasa flickr.com? hanep ah maporma at makinis pa.
sir hyundai..... mgkanu nga ult mgpa calibr8 ng nozzle tips, pwde b ipalinis ko lng ung tip n gngmit ko? anung pressure nga ult?...san b meron calibration,malate,manila area lng ako... thnx...
Mga ka mb ask ko lang po ano po ba talaga yung pinaka the best na pressure ng Nozzle ng MB natin and ano yung diff. Kasi dati ang alam ko 130.. Para malakas daw hatak and tipid sa krudo... Tapos ngaun po me naka pagsabi din sakn ng 115 para pino daw ung spray... Ano po ba yung advantage kung gawn 130 or 115 pressure ng nozzle natin?
bro yung akin 120 yan ang standard ng nakakabit sa akin ng pinalinisan ko sa calibration yung nozzle ko , kaya lang malagatak pa din kaya pina adjust ko pa ng 115 para mabawasan ang lagatak ng makina, kahit mag punta ka sa banawe ask mo sa mga mekaniko ni apic at kay jorge advice nila 115 ang pressure , ok lang mag 130 ka kung di naman malagatak ang makina mo , walang kinalaman ang 130 pressure sa tipid sa crudo , maganda lang humatak dahil largado ang diesel , ang matipid sa diesel ay yung ibinibigay ng nozzle na exaktong diesel papuntang combustion , kasi pag sobra bigay ng diesel malagatak , kaya lumalagatak di nasusunog ng husto ung diesel .
*sir hyundai may tanong lang po ako ano ginagamit nyo freon r134a ba? kasi balak ko ipagawa aircon ko sa friday eh nagpa stamate ako for cleaning * leaktest kasama na thermostat 2,950* Kung may problema evaporator front-3,500 and rear-4,500 kung sakali alin man sa evap. ang sira ok lang ba presyo non? newbie kasi ako sa pag papagawa aIRCON EH 5 month na wala aircon mb ko kailangan na ipagawa tag ulan na kasi mainit pag sarado lahat bintana, bigyan nyo po ako idea?
bro d2 sa amin ang cleaning ng aircon 3,500 baba ang front evap, at bakbak ang kisame nan dun kasi ung rear evap. natin , kasama yung leak test kapag mag papa cleaning ka para bago nila kargahan ng freon sigurado walang leak , ok yung 3,500 na singil sau kasama ung front evap. kung may problema, pero kung yung rear evap mo kung may problema medyo mataas yung 4,500 normally ang hinang ng evap. kung may isang butas or leak, normally 500 pesos ang singilan sa hinang , kung maraming butas medyo magdadagdag sila ng labor, ok ung presyo sau na 3,500 kasama na ung front evap. kung may problema, ang titingnan mo nalang ung rear evap, kung may leak,
* sir hyundai thanks sa emfo. bantayan ko nalang habang ginagawa ac ko para malaman ko kung ano problema? pag ok na aircon mb ko pag iponan ko naman budget yong cv joint ko na tumotonog sa right side na gulong * magpalit din new tire medyo kalbo na eh, masakit din sa bulsa?:
sir dapat clutch pressure din. para palit na lahat, kay apic lining lang kc stock nila eh, mas malambot ung clutch mo pag lahat papalitan mo.....mas maganda ang hatak ng sasakyan natin sir......
next time palit uli ako ng clutch fan...medyo maingay na kc sa loob ng sasakyan eh....tagal na kc di napapalitan ng clutch fan, simula ng nabili nmin....:cool2:
Good day po sa lahat
Bago lang po ako sa forum.
Mag inquire lng po ako about sa MB 100.
Medyo mahirap po start ung sasakyan ung heater po madalas kailangan naka on ung AC tapos tumatakbo ung blower bago mag on.
parang lumalabas po na kailangan naka on ung aircon bago mag on ung sa dashboard ung heater indicator.
tapos usually po ilan kilometers po per liter ang tinatakbo ng MB?
Paano po malaman kung blow by ung engine, according po sa nabasa ko meron white smoke na lumalabas sa lagayan ng langis, eh pag blow by po ba ang engine mahina na humatak ang sasakyan?
Maraming salamat po.
bro welcome to the thread , sign ng blow by makina , hard starting , white smoke sa dip stick kapag inangat mo, at lagayan ng langis pag tinangal mo ung cap white smoke din, white smoke sa tambutcho , at bad smell ng smoke ,nag babawas na ng langis , kapag nag babawas na ng langis 1 day 1 litter medyo malakas na , lumalabas na ung langis sa piston ring , usually madali ng tumaas ang temperature , malakas sa tubig , lalo na kapag mainit ang makina mo at nag patay ka ng makina hard starting , hirap humatak, lalo na sa ahon , kahit sa rekta may hangganan ang takbo nya , usually piston ring ang nagiging problema , nadudukot naman yan , basta ok pa mga bearing , segunyal , ang nagiging kalaban lang naman ng engine kaya na blow by , ung madalas ma over heat , syempre bayo ng bayo yung piston at ring tapos wala ng tubig sa block, ang tendency ng ring sa block or liner ninipis ,kaya mag loloose compression na ,
* sir hyundai naipagawa kuna aircon mb ko, bali binayaran ko cleaning and leaktest 2.5k and thermostat 450 total 2,950 lahat, wala naman nakita na leak sa fron eva. and rear evaporator, sabi ng gumawa wala daw leak, pero pinakargahan ko freon dun sa iba aircon shop nung december naubosan naman freon? kaya ngayon obserbahan ko nalang, mataas na din pressure ng compressor ko 50 na at maromi ung langis na tomulo dun sa rear evaporator ko, ibig ba sabihin nun malapit na bumigay compressor ko? kailangan mapag ipunan na naman hayy... madugo, pero ok pa naman lamig nya, sa mga ka MB musta po kayo mga busy po yata ah?? galaw galaw naman kayo dyan...
Sir Hyundai
Thank you po sa information.
so far po kaya pa po tumakbo ng 130 to 135kph nung sasakyan sa sctxt ko po nasubukan un last year. tapos.
ngayon po hanggang 100 ko pa lng naman napapatakbo ulit. un lng nga my sign po kasi ng white smoke dun sa lagayan ng langis.
malakas pa naman ung gear 1 at gear 2. kahit from stop diretso gear 2 ok lng wala naman problem.
Sir regarding po dun sa heater plug ko kasi ung indicator umiilaw lng po kapag ka naka-on ung A/C. hindi ko po sure kung dahil sa alarm or dahil sira ung relay ng heater plug.
Thank you po ulit.
Sir june 67 saan po kayo nagpalinis ng aircon Atsaka ano po dapat qawin para mawala ang white smoke pag bagong start
medyo mataas na din ang reading ng compressor mo, normal din na dumudumi ang langis ng compressor natin lalo na kung matagal na din di na papalitan, ang nag papadumi usually ang compressor natin, ung mga rebaba ng ring at block nya sa loob ng compressor, kaya nga ang dapat kapag nag pa cleaning ng evap. pina plushing din dapat ang mga linya ng tubo, at front condenser para malinis ung mga dumi sa loob ng condenser, para pag play ng freon maganda , sa banawe ka pumunta marami surplus ng compressor ng pang mb dun kay saluna,
* mb100 dito lang bro sa pala pala dasmarinas cavite ako nagpagawa aircon yon kasi malapit dito sa amin eh, dun sa white smoke pag bagong start makina hindi na mawala yon lalo na pag bloby na makina, pero subukan mo linisan air filter mo o kaya palitan ng bago baka sakaling mawala white smoke? kasi kung minsan kaya maosok ang sasakyan dahil sa marumi na airfilter, un ang obserbasyon ko nung nag maintenance ako heavy equipment sa saudi, ung street 6 na makina ng mercedez ay naiintindihan ko pero itong mb100 ay newbee pa ako?sir hyundai pag napunta ako manila tingin ako surplus na compressor para pag bumigay na itong nakakabit ay may ipalit naku agad. tnx sir sa info.