sir metitong6,wala pa budget ngayon sir ehnung dati sana nung naghahanap ako sir, gwapo lalo yung mb natin jan mga kMB kaya kung may budget kayo bilin nyo na sayang yan,salamat sir.
sir metitong6,wala pa budget ngayon sir ehnung dati sana nung naghahanap ako sir, gwapo lalo yung mb natin jan mga kMB kaya kung may budget kayo bilin nyo na sayang yan,salamat sir.
Eh Safe naman kya gamitin ung adaptor sir? Tsaka bka labas na ung gulong kapag nilagyan ng adaptor sir.
Mga ka MB update lang. nag papalit nako ng clutch SECO ang binili ko. kay Rexstar ko binili pero sa GoodGear ko pinakakabit kina Arnel. Pinalitan din yung engine support pinong pino ang andar ng makina halos walang vibrate na nararamdaman sa loob ng Van.
Pinag kumpara ko din yung Valeo at Seco ng clutch cover at disc. Try ko post mga photo.
http://i1094.photobucket.com/albums/...5-01114029.jpg
http://i1094.photobucket.com/albums/...5-01113845.jpg
http://i1094.photobucket.com/albums/...5-01113803.jpg
pasensya na hindi ako marunong mag post ng picture dito. Yung bago Seco at yung luma Valeo. yung luma ko nung yr2001 pa yan nakakbit.
Speaking clutch mga ka-MB, nagtataka lang ako sa clutch ko, pag malamig ang makina malambot at malalim ang clutch ko pero pag ginamit ko na tumitigas ng konti tapos tumataas na. Ok naman siya walang diprensiya. Meron din sa inyo nakaranas nito?
Sir WheelJack2 gandang araw po, baka may tel number po kayo ni REXTAR pwede ko makuha. salamat
sir ned may tama na ang release bearng mo palitin na
galing talaga ni sir jonlan da best ang mga sagot
btw tama si sir jonlan about sa radiator yung akin din since 2005 nung nag overheat nawarak pala ibabaw gastos din ako ng 1.8k para sa labor tinahi eh tapos nilagyan ng epoxy steel hangang ngayon ayus pa din
yung friend ko na cmc pina tangal na yung oil cooler ok naman btw yung sangyong na mb100 like mine wala din oil cooler
ingat po tayo mga ka mb lista po natin yung mga contact number natin para just incase masiraan tayo sa daan at kung sino sa ka tropa natin masiraan txt or call na lang
kung magawi kayo here in taguig or airport lapit lang ako txt me pag me problem 09326905707
sir jayar sadyang mainit ang panahon kahit yung mb ko mejo alangan sa lamig pag tanghaling tapat at mejo madami sakay lalo na sayo taga cagayan valley ka iniiiiitt dyan ^_^
hindi sir,parang isang rectangle na block yun.nasa loob yung tubo ng oil na may cooling coil,tapos dumadaloy naman yung tubig sa paligid.
cmc lang meron nyan.pero hindi big deal yun.regular naman ang change oil e.it was designed kasi para sa middle east yung cmc e.madami nun sa middle east.
mga ka MB pano po malalaman kung sira na o kailangan ng palita ang engine support?
and magkano po yong release bearing, clucth pressure and lining? gusto ko na sanang palitan kasi may tumutulo na langis sa may gitna ng engine saka transmission, palitan ko sana oil seal para isang bukasan nalang.
Sir crizelle23, ang alam ko pag malakas na ang vibrate ng makina at pag nag off ka ng makina tapos malakas ang kalog kailangan na palitan ang engine support. yung sakin nakita lang nila Arnel sa googGear na kailangan na palita. kaya pina palitan ko na. 460 ang isang engine support at 400 ang labor sa dalawa na.
Regarding tumutulo sa transmission baka oil seal lang sir hindi pa kailangan palitan ang clutch. 95 pesos ang oil seal kay goodgear. nung pinalitan yung clutch ko pinapalitan ko nadin mga oil seal patin yung mga synchronizer oil seal yung sa kinakabitan ng shift cable.
Eto yung mga presyo ng clutch na galing kay sir John1ortega.
good pm mga ka mb,
napagawa ko n din mb ko eto mga price ng parts s rexstar tambo pque, mas mura kesa s goodgear...
seco clutch disc-1820
seco clutch cover-1440
release bearing-550
bearing pilot-100
cable shift-570
transmission diff seal-110
shaft ring seal-50
zic gear oil 85w/140 1ltr-230
labor-2500
kay goodgear puro valeo ang pyesa ng clutch at 2,200 ang labor.
Naku SIr AGa mahal pa naman labor nun, P2,200 kay Arnel. ANyway di pa naman malala. YUng oil cooler parang nakita ko sa lumang pictures dito nasa tabi yata ng oil pan yun e.
mga sir anu kaya sira ng mb100 ko ginamit ko kanina tanghali mga 20 min lang naka buhay engine habang nag gagala lang dito samen dahil matagal ko na di nagagamit
napansin ko na me tumutulong tubig dun sa hose ng reservior ?? anu kaya main cause nun sumobra lang ba ang lagay ko ng tubig sa reservior ng radiator or sira ang radiator cap ko?
[IMG]Uploaded with ImageShack.us[/IMG]
To all Ka-Mb100/140 pasensya na ngayon ko lang ulit na-update sticker comment nyo kailangan ko tapos pag-usapan natin thru chat or dito sa forum regarding pagpapadala ko sa inyo thru files na lang lalo na sa malalayong lugar na kung saan may mga sticker printing shop sa kanila. Lastly kung mayroon sa atin naka mb140 i-edit ko na lang ( mb100 to mb 140 member no. atsaka name ng bawat isa personalized na lang natin. Yung 2 sticker sa proposal mamili kayo nasa inyo kung ilan pagawa nyo para ito sa left and right window natin last or 2nd window, yung logo natin na white circular gauges yung lines nun i-pa-cut natin para ilalagay sa left side lower corner ng rear windshield. Sana makatulong sa grupo upang magkaroon tayo ng pag-kakakilanlan sa bawat isa. Mabuhay mga Ka-MB.