
Originally Posted by
n2knee
teka teka...bago ka magsayang ng oras kailangan mo munang alamin ang mga ito......
1.) diba ang ip addresses ay either static (fixed) or dynamic (variable)? what if kung ang ip address nya dynamic? di hindi mo rin malalaman kung sino talaga kasi everytime na nag log on ang isang internet subscriber na dynamic ang ip address, iba palagi (random) ang naka assign na ip address.
2.) assuming na static ang gamit nyang ip address, paano ka nakakasiguro na hindi sya nakikigamit ng internet ng iba? kagaya ng internet shop. pero most likely, karamihan naman ng internet shops ay naka broadband, so malaki ang chances na dynamic ang gamit na ip address.
yung case na ganito ay masyadong maliit sa ISP company para pagtuunan nila ng pansin. unless na national security threat, most likely sasabihin nila sa iyo ay kalimutan mo na. malungkot mang sabihin, pero kalimutan mo na bro at hwag ka nang magsayang ng oras.
at yung mga kaibigan mo, kung pinanga-ngalagahan nila ang pakikipagkaibigan nila sa iyo, dapat ay pakinggan ka nila at alamin ang tunay na nangyari. bibigyan ka ng "benefit of the doubt."