Yung automatic washing machine namin sumabog dahil sa power surge (see related thread on my laptop huhuhuhu). Nung mangyari yun, nakasaksak siya pero ndi naka-on.

Nung una ko pinalitan yung fuse, nag-on siya tapos sumabog yung fuse nung pag off ko. Tapos pinalitan ko uli ng fuse, ngayon naman, sumabog agad pag saksak ko pa lang ng plug. Tapos pinalitan ko uli, parehas ng nangyari nung first time.

Dun sa diagram sa likod ng washing machine ang nakasulat ay Fuse 230V~5A. so 5 amps yung fuse na binili ko.

Same situation pala dun sa DVD player namin. Nung unang pinalitan ko yung fuse ok siya, then ngayon no power uli.

Ano ba dapat ko gawin? Mukang tama naman yung replacement fuse na nabili ko. Yung isang TV namin na pinalitan ko ng fuse ay OK naman.