
Originally Posted by
yubby24
I have a Globe plan installed at our house. Ganito ang setup na ginawa ko.
Since home use lang naman, kinuha ko lahat ng MAC address ng lahat ng kokonek sa internet. BTW, GAN4PT pala yung model nung router na bigay ni Globe.
After getting the list, nagset ako ng specific IP addresses para sa bawat MAC address, in order of highest priority ang lowest IP address. Then may bandwidth allocation page dun sa setup ng router. Pwede mo i-specify kung hanggang anong speed lang kayang gamitin ni IP address. Eto yung setup per MAC address.
8 ang users sa bahay.
1 laptop for wife (for ESL) - 192.168.254.100
1 laptop for me (WFH) - 101
5 android phones - 102-106
1 iPad - 107
Si 100 at 101, nakasetup sya na walang limit.
Si 102 - 199, nakaset lang na hanggang 1mbps lang. Si 102 - 199 ay maghahati sa 1mbps allocation.
Depende kung naglalag minsan ang pagtuturo ni misis sa ESL nya, binababaan pa yung allocation ni 102-199. So far, gumagana naman ang ganitong setup sa amin.