New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 3 of 8 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Results 21 to 30 of 75
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    19,835
    #21
    Quote Originally Posted by tigerwoods
    i'll convert this country into socialism and i will change my title to premier....

    seriously. i've been to shanghai, china last week and i think this form of government works. people there are disciplined and most services are operated by the government. ang sweldo ng tao is almost the same (except perhaps to some people working in multinational companies, in which, in their case are joint ventures between MNCs and local Chinese companies, so controlled pa rin ng government ang operations ng MNCs).



    :D
    nag tour din kami sa shanghai ang beijing last july. natanong namin sa tour guide namin about the corruption in their government. ito ang sagot nya: the family of chairman mao zedong (the first head of state under communist rule) is very poor, and so is the whole of china. the family of deng xiaoping and jiang zemin is rich, and so is the whole of china. you be the judge.

    now, what do you think of the statement of the tour guide?
    Signature

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    79
    #22
    Gusto kong first lady si Audrey Miles.....hehehe:twisted:
    Joke lang po..maraming magagalit dito!

    1.Firing squad po para sa mga Convicted rapist,murderer, drug dealer at pushers...
    2. Pugot ulo sa mga corrupt gov't officials...
    3. Ubusin ang convict sa mga jail at donate ang mga organs nila sa mga organ recepients...para naman at least pakinabangan sila ng mga mamamayan...(like in China)

  3. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #23
    Gagawin ko PROCLAMATION NUMBER 1:

    There will be a NATIONAL TSIKOT.COM DAY...gagawin kong legal holiday to...

    PROCLAMATION NUMBER 2:

    There will be a NATIONAL TSIKOT.COM WEEK ... he he

    PROCLAMATION NUMBER 3:

    There will be a NATIONAL TSIKOT.COM MONTH ... more he he he

    PROCLAMATION NUMBER 4:

    Buong term ko gagawin kong NATIONAL TSIKOT.COM DYNASTY... bwa ha ha ha ha ...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #24
    For our motoring public: Ban the jeepneys for being detrimental to the environment. Cancel existing franchises of public bus operators and have them re-apply so that they can prove their financial capability. Raise insurance requirements for common carriers. Ban bus terminals along main thoroughfares. Impose a higher tax on vehicles that are 10 years or older. Raise penalties for traffic violations by 300%, with corresponding charges to be filed in court. Appoint BF as DOTC chief.

    For our public safety and order: Demolish and relocate all squatter colonies along the estero and along the railways. Since the catholic church is so vehemently opposed to demolition...have them donate 50% of their owned land for the benefit of squatters' shelters. That'll force them to put up or shut up. :twisted: Limit the time and places where strikes and mass demonstrations can take place. Cooperate with friendly nations to destroy all rebellious groups such as the NPA & MILF. Require courts to decide criminal cases within 30 consecutive days. Make public executions, preferrably mass executions of people guilty of heinous crimes. :evil:

    For the economy and welfare: Revive tourism through advertising. No strikes, especially by militant labor groups. Abolish the VAT and revive sales tax para walang credits, make landowners till their idle lands or sell it to those who can. Make the church run schools offer more scholarships...since they are also vocal about education for the poor.

    dami ba? sori po. just thinking out loud.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,327
    #25
    First and foremost, if I will have the chance is to cleanup the government. Punish and humiliate those corrupt officials and death will be the finale. If you have good governance, everything will fall into the right place and you cannot achieve that without cleaning your own backyard first. :x :x :x

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    19,835
    #26
    Ang galing mo Altis6453!!!
    Signature

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    748
    #27
    Tingin ko ang isang magiging Presidente ng Pilipinas ay dapat maghalukay sa pinagmulan ng kulturang Pilipino.

    Karamihan sa mga ugali ng mga Pinoy sa kasalukuyan ay bunsod ng maraming taong pagkakasakop sa atin ng mga banyaga.

    Dapat maghabi ng mga pamamaraan at mga batas na naaangkop sa kulturang Pilipino.

    Gaya ng corruption at mga lagay lagay sa mga nasa kapangyarihan, may mga nagsasabing galing daw iyan sa mga Espanyol. Malasin ninyo ang mga bansang nangagsasalita ng Espanyol medyo kahawig natin ang ugali.

    Ang pakikiaalam at impluwensiya ng simbahang Katoliko, maitatagni natin iyan sa mga panahong tayo ay nasakop ng mga paring Espanyol at mga Kastila. Aliping "timawa" at "saguiguilid", kung inyo pang naaalala ang ating mga nakaraang aralin sa elementarya.

    Kaya sa aking dalawang sentimong pagsasasawsaw ng pananaw sa nakahaing pagtatatalakayan, kailangan ang mga gabay sa gobyerno, pagpapatupad ng batas, mga gabay sa panglabas na pakikisalamuha ng bansa, mga adhikain sa ikauunlad ng bayan at mga pang politikal na konsiderasyon, dapat ay akma at naaangkop sa kulturang Pilipino.

    Pati ang tinatawag natin na "crab mentality" at "colonial mentality", ay maiuugnay sa ating nakalipas. Dahil tayo ay lubhang naalipin ng ibang bayan. Andoong ang ibang mga kababayan ay naging makapili upang iligtas ang kanyang sambahayan. Pero iyon ay dahil sa pagkakasakop ng ating bayan.

    Ang tawag yata dito sa sibikong aralin ay "whollistic approach".

    Pati ang mga kapatid nating muslim. Ayon sa aking mga ilang nabasang sanaysay at mga pagtalakay ukol dito, ang mga muslim ay inagawan ng lupa ng mga kristiyano. At doon nagbunsod ang matinding hidwaan noon pa man, na ating nakikita pa rin hanggang sa ngayon.

    Kaya dapat tumingin sa nakaraan, para matutunan ang nakalipas at gawing isang balisbisan ng solusyon sa hinaharap....

  8. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    1,310
    #28
    *Resuscitates Old Topic*

    As an asthmatic, I'd have a 1000% tax on ALL tobacco products. Maybe even 10000%. Something the common person would never be able to afford. I'm sure people will protest, especially the tobacco companies and their employees, but I'd be happy to see the tobacco industry burn to the ground (pun intended). While such a scenario this would create HUGE unemployment in the short term, it'd be good for everyone in the long run in the form of a healthier, more efficient workforce and huge healthcare savings. Pulmonologists can then put more of their time and effort on more meaningful work, instead of trying to treat a smoker with lung cancer.

    I've already been successful in the past as a six-year-old child in convincing my parents to stop smoking.

  9. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    499
    #29
    i-firing squad lahat ng kurakot sa gobyerno! then bawiin yung kinurakot nila!

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,812
    #30
    1. lahat ng nasa death row sa munti iuutos ko ang execution. lahat ng life sentence itataas ko sa death penalty ang hatol. kawawa kasi sila matagal masyado ang life sentence kaya patayin na lang. luluwag ang kulungan, need kong maluwag ang kulungan at madami ako ilalagay dun na tao. yung mga ibang nakakulong na mahaba ang hatol ay pwede din mag-volunteer. baka sakaling inip na sila at gusto nang matapos ang hirap, madali lang ako kausapin.

    2. lahat ng nasa BIR at Customs bibigyan ng quota kung magkano ang tax na ipapasok sa gobyerno. mataas ang quota, equal sa prediction ng takbo ng economy. pag hindi naka-quota, death penalty agad.

    3. lahat ng empleyado ng gobyerno dapat life style check every 6 months. pag huli, life sentence agad. di bale sandali lang siya sa munti, see #1 above.

    4. pag sa DPWH ka nagtratrabaho ang una mong project ay ang gumawa ng kulungan para sa iyo. lagyan mo pa ng pangalan. pag nahuli kitang nangungurakot, life sentence. then see #1 above bakit sandali ka lang sa kulungan na ginawa mo.

    5. lahat ng ibang government employees, 3 reklamo lang ang need ko para ikulong kita dun sa kulungan na babakantehen ni mr. BIR, Customs at DPWH. wag ka magalala, di life sentence ang parusa mo. small fish ka lang kaya 20 years hard labor lang ang sa iyo (pero pwede ka mag-volunteer, see #1 above). anong hard labor? madami, gaya ng gumawa ng desk ng mga estudyante at madami akong papagawang mga schools. o kaya hospital bed, linen at damit na gamit sa ospital. see! hindi ka mabo-bored. baka sakaling ma-reform ka pa. pero pag nakita na hindi ka pwedeng i-reform, life sentence ka! then see #1 above.

    6. lahat ng maglalagay sa mga empleyado ng gobyerno, kung ano ang parusa ng nilagyan ay yun din ang parusa mo.

    7. pag ikaw ay pulis o militar at ginamit mo ang iyong armas (issue man sa iyo o personal) para mang-api ng mamamayan, bitay ang hatol sa iyo. oo, bitay. tali ang gagamitin sa iyong leeg para ikaw ay ibitin. hindi ako mabait kaya wag ka umasa na lethal injection ang parusa mo. wala ka mararamdaman nun, gusto ko masaktan ka.

    8. gagawin kong requirement na naka-display ang residence certificate ng lahat ng tao 18-65 years old. pag walang cedula na naka-display huhulihin ang taong yun at hindi pakakawalan hanggat hindi nagbabayad ng tax.

    9. bawat bahay ay dapat naka-display ang ITR at real estate tax payment sa gate. pag walang ITR at real estate tax sa gate na naka-display confiscate ang bahay na yun.

    10. ganun din sa negosyo. pag walang ITR, etc, confiscate at for immediate disposal by auction. pag nahuling nandadaya sa tax, DEATH penalty sa may-ari at sa lahat ng nasa accounting department.

    11. at para maibsan ang trapik sa maynila, ipagbabawal ko ang magtrabaho sa south metro manila kung ikaw ay nakatira sa north ng metro manila. at ipagbabawal ko din na magtrabaho sa north ng metro manila pag ikaw ay nakatira sa south ng metro manila. sa ganung paraan mababawasan ang trapik sa edsa ng 90%. pag ayaw mo sumunod ibabaon kita sa edsa!

    ano, may angal?
    Last edited by yebo; April 11th, 2005 at 09:07 PM.

Page 3 of 8 FirstFirst 1234567 ... LastLast
If You Are Made President, What is the First Thing You'll Do