Mga Sir,

Tanong ko lang po... bakit po kaya nawawalan ng tubing yung reserve tank ko. Before ko po kc sya gamitin lagi ko muna chinecheck yung water tank and radiator ko. Yung sa radiator po ok naman yung tubig pero yung reserve tank, drained po sya... so ang ginagawa ko po nilalagyan ko ng tubig yung reserve. Lagi pong ganon.. Pero napansin ko po minsan nilagyan ko sya hanggang sa required level then after ko sya gamitin chineck ko po ulit then tumaas po yung water sa reserve tank then mga after 1 hour, nawawala yung tubig parang hinihigop po yung water... So I tried po na gamitin sya ulit na di nilalagyan yung reserve tank after non ngkaroon ng tubig ulit yung tank.
Di naman po ng ooverheat then yung temperature level nasa middle lang po sya. Ano po kaya possible reason bakit ganito. Worry ko lang po baka sa long drive or long trip ay mag overheat po ako.

Nag try din po ako na after ko sya gamitin eh naglagay po ako ng plywood sa ilalim ng car to check kung may leak... wala naman po. Saan po kaya napupunta yung tubig... help naman po mga sir.

My car po pala is civic vti AT 2000.

TIA