Quote Originally Posted by ranken View Post
Hi Guys,

Just had my 97 EL lancer checked sa casa ( Mitsu Cavite ) para ma-check yung odometer kung ano naging problema....Hindi ako satisfied sa nangyaring check-up.

Bali tiningnan lang nung parang visor yung reading sa instrument panel and sinabi na malamang natampered na daw iyun ( alam agad ? ), Binuksan nila yung hood and sinilip lang yung makina at kung san nakakabit yung sensor ( sabi ko kasi na baka yung sensor yung may problema ), sinilip lang tapus sabi nya na hindi daw sila nagche-check ng ganun ( electrical system ) and kailangan daw na baklasin pa yung assembly dun pati yung sa instrument panel and kung anu-ano pa..tapus tinanong ko kung magkano aabutin kapag pinalitan yung sensor and odometer kung sakaling defective,,ang sabi e...di daw sila nagpapalit nuon?????? e kung hindi puede sa inyo e ....SAAN PA KAYA PUEDE???? ( CASA NA NGA SILA DI BA???? )...

Medyo mahinahon lang ako and di nagpahalatang inis..tapus tinanong ko nalang kung kaya ba nilang ma-determine kung talaga bang 188k na yung mileage nun just by looking on the car itself ( 77k lang kasi mileage nun nung makuha ko, tapus biglang naging 188k after 2 months na 50 kms a week ave. travel, di naman ako bumibyahe ng pagudpud to allen samar araw-araw kaya talagang katakataka ..)

Tapus di pala puede ma-check sa pc yung mileage kasi di siya EFI, so tanong ko nalang kung napalitan na ba yung timing belt para magkaalaman na ( dapat alam nila kung napalitan na yun diba )..so binuksan nila yung cover tapus sinilip lang and sabi dapat na daw palitan TB tapus binalik agad belt cover, nakita ko yung belt mukhang maayos pa naman, may konting langis lang yung gilid ng cover tapus sabi dapat ko na daw palitan agad ...

Tinanong ko ulit ng mahinahon kung napalitan na ba yung TB and di na sumagot yung visor ...

So in short...di din ako nakakuha ng sagot sa CASA na iyon...wala kinahantungan pagpunta namin dun...

Plano ko na nga lang dalhin sa mga talagang marunong mag-check sa mga ganitong klaseng problema..yung may makukuha namang result and magandang suggestion di yung panay palit lang alam i-reccomend ..Wala bang Mang Mario na puedeng puntahan pagdating sa ganitong case??? May alam kaya kayong odometer specialist na puedeng pagpagawaan???

Help ulit

Thanks


hehehe bro. mukhang minalas ka sa casa ah.
for one, ang daling baklasin ng speedo assembly. had done it in less than 15 minutes.

pangalawa. i would suggest that you try to consult other reputable shops for the timing belt. ang timing belt kasi, may look new, but in reality, nawawala na yung pagiging pliant and stretchability ng goma. also, there might be small cracks inside the belt which can affect the performance of the belt, and might cause big damage in the future. if you have time, try to bring it to speedyfix. (dito ata sa may crame ang shop nya diba?)

pag nacheck na yung tb, then that will be the time you can validate if your speedo/odo has been tampered with. mas malaking issue yung TB eh. if it has been tampered with, then definitely, wala na tayong magagawa dyan. pag ok pa yung TB, then suspect a defective sensor, which you can deal with later.

one more question. ngayon, pag tumatakbo ka, ano nangyayari sa ODO? tumatakbo naman sya ng maayos? nag rereflect ba ng correct distance or something?