Hi Guys, Im a newbie at this site, dami ko natutunan sa kababasa ng mga topics dito ( Very informative site ). Observant lang ako for the past 2 months, ngayon lang din ako nag-post and gusto ko sanang buhayin yung topic regarding sa tampering ng odometer.

Just got a 2nd hand Pizza pie lancer ( 97 model ) El last July 2006, nakuha ko sya sa isang nag-bubuy and sell dito sa Cavite ( I used to work here in Cavite kaya dito na din ako nakakuha ng sasakyan ). Medyo madami na din ako pinaayos pero so far mga mild repairs palang ( wheel alignments and palit signal bulbs, timpla carburator ).

Ok naman nung kotse and yung mileage ( indicated sa Digital odometer ) ay nsa 77K palang yung reading.

Pero after 2 months palang ng ginagamit namin yung car, napansin ko yung odometer reading nya ay may lumalabas na symbol na E dun sa Hundreds digit, minsan lumilitaw pa yung 1 dun sa millions digit, di ko muna masyadong pinansin , pero after a few days nagulat na lang ako ng maging 188K na yung mileage reading nya sa odometer.

Tinawagan ko nga yung nagbenta sa akin and inexplain yung nangyari and nag-suggest siya na baka may problema lang daw yung sensor ( Pero duda ko may ginalaw na sila dun sa odometer ).

Ngayon namumrublema ako kung papano ko mamomonitor ng tama kung kailan ako kailangan magpa-changeoil, timing belt monitoring etc since nakadepende yun sa odometer reading..kainis talaga..

Plano ko nga siyang ipasok sa Mitsubshi casa dito sa Cavite, Di ko pa sure kung magkano magagastos dun.

Tanong ko lang guys kung ano kaya posibleng nangyari? tama kaya na may problema lang daw yung sensor ( Actually di ko alam kung anung sensor yung ibig nyang sabihin ) or worse, talagang ginalaw yung odometer.

Anu kaya posibleng solusyon dun? kaya kayang i-determine ng Casa yung actual odometer reading ng sasakyan? Any ideas kung magkanu palit digital odometer?

I'll be waiting for yor reply guys..

Many Thanks.