New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 21
  1. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    473
    #1
    guys tulong naman. ngayon ko lang na-experience ito eh. ngayon lang ako
    naflat-an (right rear tire). napako ng pakong bakya. kasi yung ulo parang
    ganun. buti na lang naka-uwi na ako.

    1. wala ako tool pang-tanggal ng gulong.
    (medyo late na at ayaw ko na gumising ng kapitbahay)
    2. na jack-up ko na yung gulong. para hindi maiipit/masira yung goma.

    reliable/durable ba kung i-vulcanize yun?

  2. Join Date
    May 2007
    Posts
    11
    #2
    Quote Originally Posted by simplicity View Post
    guys tulong naman. ngayon ko lang na-experience ito eh. ngayon lang ako
    naflat-an (right rear tire). napako ng pakong bakya. kasi yung ulo parang
    ganun. buti na lang naka-uwi na ako.

    1. wala ako tool pang-tanggal ng gulong.
    (medyo late na at ayaw ko na gumising ng kapitbahay)
    2. na jack-up ko na yung gulong. para hindi maiipit/masira yung goma.

    reliable/durable ba kung i-vulcanize yun?
    Oo naman, reliable pa rin ang gulong kung i-vulcanize.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #3
    Kung pakong bakya lang bumutas na gulong mo, parang sobrang nipis yata?!?

    I usually use a bike pump to re-inflate my tires to working pressure then drive immediately to the nearest vulcanizing shop (usually servitek) na may pang-alis ng gulong sa mags.

  4. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #4
    1. It's a must na meron kang tools for changing tires. Maganda rin kung may airpump - electric or manual kung ayaw mong ikaw ang magpalit ng gulong.

    2. Vulcanizing is not always reliable. Depende siguro sa nag-trabaho. One time nagpavulcanize ako (cold patch). While driving, napansin ko flat na naman. Natanggal pala ang patch. Next time, I'd see to it na reliable ang vulcanizing shop.

  5. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #5
    Kung sidewall ang tinamaan palitan mo na. Mahirap na kung sidewall yon (nangyari sa akin sa C5 dati).

    Yup, make sure maganda pagkakagawa ng vulcanizing. Otherwise maflat ka ulet.

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    556
    #6
    Are you sure pumasok ang pako sa tire? Being small, baka sa surface lang.

    Pour some water over it, and see if may bubbles. If none, try removing it with pliers.

    Vulcanizing is EFFECTIVE. Basta lang hindi sa sidewall/gilid ang butas it is repairable.

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    651
    #7
    vulcanize mo na bro, yung sa akin nga dati mas malaki pang pako, okay naman hanggang sa mapudpod ang gulong hindi bumigay yung vulcanize

  8. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    352
    #8
    always have some emergency tools in your car. a jack and a tire wrench is very important. maganda dapat ang vucanize nyan para matibay din. tumatagal din ang vulcanize basta maganda ang pgkakadikit ang patch sa loob. ginagamitan nila ng grinding tool yung part na may butas para malinisan at dikit na dikit ang patch.

  9. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    473
    #9
    naipa-vulcanize ko na yung goma. hindi pala pakong bakya.
    mas malaki pa dun.
    may parang rugby na pinasak and then may parang "stick na ni-bend" sa
    gitna na binusalsal sa butas then ni-cutter yung sobra. then nilagyan
    ng hangin then tapos na. buti na lang sa bahay ako na-flat (or dun na umimpis yung gulong) at hindi sa daan. at mabuti malapit kami sa madaming gasolinahan. P100 ang damage.

    nga pala, OT, mura lang ang gas sa me amin sa San Antonio. mga gasolinahan
    sa v.cruz extension P35.xx lang ang super unleaded/silver.

  10. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    44
    #10
    mga boss, napako rin gulong ko. mga 1 inch yung pako tapos almost half ng pako yung bumaon. mga 1 day na ko nakapark sa bahay nung nakita ko. hindi lumambot yung gulong. yung itsura niya same lang sa normal (visually, at least). hindi siya flat. pinavulcanize ko na kasi pag buhos ko ng tubig my bubbles eh. cold patch yata ang ginawa. basta yung patch sa loob. hindi plantsa. ang tanong ko po is, ok lang ba na pinavulcanize ko lang? hindi po ba sagot ng insurance ang tires in my case? nasa 5500+ km palang natatakbo ng gulong ko pero 11 months na siya. ok lang ba na pinavulcanize ko na lang o dapat papalitan ko sa insurance if pwede? kahit kasi navulcanize na, di parin ako mapalagay knowing na may tama na yung gulong ko.

  11. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #11
    hmmm mas ok ba ang cold patch?? usually kasi ginagawa pag napako eh pinapasakan lang nila.. effective din naman mas mabilis pa..

  12. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    47
    #12
    cold patch or install interior tube !

  13. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    780
    #13
    Quote Originally Posted by air23 View Post
    mga boss, napako rin gulong ko. mga 1 inch yung pako tapos almost half ng pako yung bumaon. mga 1 day na ko nakapark sa bahay nung nakita ko. hindi lumambot yung gulong. yung itsura niya same lang sa normal (visually, at least). hindi siya flat. pinavulcanize ko na kasi pag buhos ko ng tubig my bubbles eh. cold patch yata ang ginawa. basta yung patch sa loob. hindi plantsa. ang tanong ko po is, ok lang ba na pinavulcanize ko lang? hindi po ba sagot ng insurance ang tires in my case? nasa 5500+ km palang natatakbo ng gulong ko pero 11 months na siya. ok lang ba na pinavulcanize ko na lang o dapat papalitan ko sa insurance if pwede? kahit kasi navulcanize na, di parin ako mapalagay knowing na may tama na yung gulong ko.
    Hinde po sasagutin yan ng Insurance sir.

  14. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #14
    ^ +1
    kung naflatan at hindi sa sidewall, hindi nga covered ng warranty yan gulong, kung sa sidewall me singaw, pwede. (gaya sa akin, every 3 days nagrefill ako ng hangin, me singaw pla sa sidewall).

    sabi sa akin ng tech engineer ng gulong, mali daw ang factory ng kotse dapat daw kapag sea freight na mga kotse, abaove normal ang karga ng hangin) kaya nagkaganoon gulong ko, normal PSI ang ginawa prior sa shipping....(o palusot lang) hehehe....

    Kapag magz ang wheel rims natin, wag ka magpavulcanize sa mano mano...

    maaaring masira ang magz mo at di pa mabalance....

    dapat pagkavulcanize, ipawheel balancing na din....

  15. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    44
    #15
    thanks sa advice mga sir.

  16. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    2,848
    #16
    Pag na pako ang gulong, as much as possible cold patch ang pagamit. Yung bumble gum or stick effective pag galing sa 1st world country, yung dito walang kwenta! yung di init ayus lang pero as much as possible kung pwede cold patch yun talaga. before removal, pa markahan mo yung pito, para pag ni remount almost balanced pa rin. Yung de makina dapat ang pang tanggal ng gulong not yung pina palo. pang trak lang yun. hope this helps

  17. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #17
    napako ako dati, don ako nagpagawa sa fort, yung tapat nang shell, auto something yata.. imported yung gamit nilang pang pasak.. mag 1 year na ngayon ok pa din naman..

  18. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    137
    #18
    The bad thing about cold patch is that the hole left by the nail is still somewhat exposed. Water could seep in and the tire's steel belts could rust. Blowouts could happen.

  19. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #19
    Cold Patch: Umaangat at sumisingaw.
    Luto: Nasisira daw ng gulong nakakaoblong
    Tusok: Nakakasira daw ng steel belt. Di ba asero to pano to mapuputol?

    For me:
    Tusok kasi kahit sumingaw in the long run di pa rin bumibigay. Sumingaw man makakarating ka pa rin sa destination mo unlike yung cold patch laging palpak ang gawa.Yung cold patch kasi pag inabutan ka ng angat sa expressway yari ka.

    Yung luto ok naman kaso pansin ko nakakaoblong talaga.

    Ok yung tusok kung isa pa lang ang butas pero kung 3 or 4 na ang butas prone sa ply shift (sumisingaw sa pagitan ng thread at lumalabas sa ibang parte ng gulong) mahirap tong itrace so wala kang choice kundi luto or cold patch.

  20. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    7,119
    #20
    Ok naman ang cold patch kung nagawa ng tama at maganda yung patch na ginamit. Pero mas gusto ko din pasak. Yung pasak will go in between 2 steel cords. This is assuming ang repair ay ginawa sa tread area. Kung shoulder or sidewall ang damage better play it safe and get a new tire.

Page 1 of 2 12 LastLast
napako gulong