Results 1 to 10 of 10
-
November 8th, 2006 12:00 PM #1
hello! ang sarap magbasa-basa ng mga threads dito sa tsikot. bukod sa nakaka-tulong sa edukasyong pang sasakyan, nakaka-aliw pa!
mabuhay kayong lahat!
may mga kaunting tanong lang po ako (sana po ay may pumatol)
ang aking sasakyan po ay '95 Civic ESi na A/T:
1. puwede ko po bang gamitin ang mga unleaded na gas?
2. kung puwede, kailanganko pa bang i-drain yung natitirang gas na
premium before ako makapagpa-gas ng unleaded?
3. sa fan naman. hindi na nag-function ng tama ang thermostat
kaya hindi umaandar ng tama ang fan.
resulting in overheat (almost). kaya kahapon dinala sa
Evangelista para i-rekta yung fan. (i.e. hindi na dadaan o wala ng
paki-alam ang thermostat). pag-on ng makina, bukas na rin ang
fan.
4. huling tanong po.
balak ko kasi ayusin ang oto ko. ano ang mga dapat at tamang
steps to go through it? (palit lahat fluids, paayos electrical, palit
paint, pa-detail ng interior/engine)
ito po ang mga balak ko muna. tsaka na yung palit mags/goma
at suspension (next year na lang). unahin ko muna yung mga
neccessities. or may kulang po ako na nabanggit?
mga tsikot gurus, sana ma-payuhan ninyo po ako.
salamas!
-
November 8th, 2006 12:13 PM #2
[SIZE=1]1. puwede ko po bang gamitin ang mga unleaded na gas?[/SIZE]
---> Pwede.
[SIZE=1] 2. kung puwede, kailanganko pa bang i-drain yung natitirang gas na
premium before ako makapagpa-gas ng unleaded?[/SIZE]
---> Wala ka ng ibang kelangang gawin pa.
[SIZE=1] 3. sa fan naman. hindi na nag-function ng tama ang thermostat
kaya hindi umaandar ng tama ang fan.
resulting in overheat (almost). kaya kahapon dinala sa
Evangelista para i-rekta yung fan. (i.e. hindi na dadaan o wala ng
paki-alam ang thermostat). pag-on ng makina, bukas na rin ang
fan.[/SIZE]
---> Hindi ko alam kung ano yung tanong mo dito.
[SIZE=1] 4. huling tanong po.
balak ko kasi ayusin ang oto ko. ano ang mga dapat at tamang
steps to go through it? (palit lahat fluids, paayos electrical, palit
paint, pa-detail ng interior/engine)[/SIZE]
---> Ano ba specifically ang gusto mo ipaayos sa sasakyan mo? Periodic check-up lang po ba (e.g. change oil, filters, etc.) or lahatan na (palit break pads, etc.)? Basta kung may ipapagawa ka, IMO, unahin mo muna yung labas then papasok (painting-engine repairs-engine & interior detail).
HTH.
-
November 8th, 2006 12:34 PM #3
thanks for the swift reply bro!
honga! i forgot to put my Q on #3. hehehe...
#3Q: since naka-rekta na nga yung fan, hindi ba masama ito in the long run? hindi ba makaka-bilis ng buhay ng fan ito?
so bale, palit pintura muna ako before ko ipaayos yung iba?
puwede kayang mahuli yung palit paint? mga Feb ko pa balak eh. ipon muna. yung iba muna sana. ano po ba ang drawback
kung mahuhuli ang paint?
-
November 8th, 2006 12:43 PM #4
Saan ka nakakuha ng leaded gasoline? Bawala na magbenta ng leaded sa Metro Manila diba? Kahit ano pa ang trade name ng gasolina (Blaze, Velocity, etc.) puro unleaded na sila dapat. Tama ba?
Hindi mo na kailangan mag-drain ng tank. Just mix in the new one.
If gusto mo ng rekta, sa aircon mo na lang irekta. Para hindi umaandar yung fan agad habang nag-start ka pa lang ng engine.
IMO, unahin mo ang mechanicals bago ang cosmetics.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
November 8th, 2006 01:00 PM #5
onga. medyo me kamahalan ang palit pintura. ipon muna.
mabuti na yung maayos ang takbo, tapos saka na yung
"maayos tignan" hehehe.... kaya ko pa naman i-tolerate
yung kulay ngayon eh. yun bang parang green na medyo may
pagka-ibang klaseng green (stock). basta, alam niyo na siguro yun.
nauso yung kulay na ganun nuon eh.
TY sir OTEP!
-
November 8th, 2006 01:06 PM #6
Ok lang maghalo ang different grades of gas sa tank mo. Mababa lang ang octane requirement ng Civic. It's designed to be an economy car.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
November 8th, 2006 01:13 PM #7
tama si sir otep lahat ng gas ngayon ay unleaded na, ang difference lang ay ang octane rating (consult your owner's manual kung ano ang bagay sa car mo). un sinasabi mo na green ay lower octane kaysa sa premium mostly ginagamit sa car na may catalytic converter (and cheaper). un sa fan kailangan mo restore sa orig to prolong the life ng fan.
-
Tsikoteer
- Join Date
- May 2004
- Posts
- 302
November 8th, 2006 01:19 PM #8about Q#3
mas maganda na palitan mo na lang iyun thermostat switch para automatic na umaandar iyun fan, mas madali masira yun motor kung naka-rekta dahil andar ito ng andar kahit malamig pa ang engine mo (experienced ko ito dati),
-
November 8th, 2006 01:28 PM #9
sa q # 3:
agree with tholitz, mas ok if thermostat pinagawa mo para hindi lagi naka on fan mo at automatic pa rin sya..
pero if like mo talaga rekta, maglagay ka na lng ng switch para may option ka rin na nakapatay muna fan mo pos switch-on mo na lang if medyo matagal na rin umaandar makina mo. make sure lang na hindi mo makalimutan na switch-on kasi if hindi, over heat aabutin mo.
-
November 8th, 2006 01:48 PM #10
better to fix or replace the thermostat para naman hindi bugbog ang compressor mo resulting to overheating dahil wala itong pahinga sa pag bomba. pag naayos ito magiging magaan para sa makina mo ang paminsan-minsang pag free wheel ng a/c compressor mo.
no need mawawala ang leaded gas na naikarga mo in the long run. (kung meron man)
The Yokohama BluEarths notoriously break down as you use them. I guess something in their...
Finding the Best Tire for You