hello! ang sarap magbasa-basa ng mga threads dito sa tsikot. bukod sa nakaka-tulong sa edukasyong pang sasakyan, nakaka-aliw pa!
mabuhay kayong lahat!

may mga kaunting tanong lang po ako (sana po ay may pumatol)
ang aking sasakyan po ay '95 Civic ESi na A/T:
1. puwede ko po bang gamitin ang mga unleaded na gas?

2. kung puwede, kailanganko pa bang i-drain yung natitirang gas na
premium before ako makapagpa-gas ng unleaded?

3. sa fan naman. hindi na nag-function ng tama ang thermostat
kaya hindi umaandar ng tama ang fan.
resulting in overheat (almost). kaya kahapon dinala sa
Evangelista para i-rekta yung fan. (i.e. hindi na dadaan o wala ng
paki-alam ang thermostat). pag-on ng makina, bukas na rin ang
fan.

4. huling tanong po.
balak ko kasi ayusin ang oto ko. ano ang mga dapat at tamang
steps to go through it? (palit lahat fluids, paayos electrical, palit
paint, pa-detail ng interior/engine)
ito po ang mga balak ko muna. tsaka na yung palit mags/goma
at suspension (next year na lang). unahin ko muna yung mga
neccessities. or may kulang po ako na nabanggit?

mga tsikot gurus, sana ma-payuhan ninyo po ako.
salamas!