sir 5dreamers how much yun body cladding lang?
Matanong ko lang mga bossing, yung fender flare ba na galing sa planta ng mitsubishi eh identical or kaperehas lang ng sukat at dimension nabibili sa Carryboy?
Nabangga kasi ako 2 months ago. Nabasag yung fender flare ko sa front left side. Tapos sabi sa casa, sinagot daw ng insurance ko yung replacement nung fender flare. Ngayon, ipapakabit ko na next week kasi dumating na kanina. Concern lang nung agent ko, baka raw di tugma yung ipapalit na galing sa planta nila at yung pinalagay ko na galing sa carryboy.
Regarding sa service ng casa, may sablay din sila na ginawa sakin. Yung manibela ko, wala sa alignment pero sabi nila inayos na raw nila. Kaya nagreklamo ko at nag sabi na magpa file ako ng complaint. Pero pinakiusapan ako ng ahente ko na aayusin na lang nila yung sablay na trabaho.
Sa tingin ko kahit saan naman natin ipaayos yung strada natin, may mga sasablay talaga, maliban na lang kung tayo yung gagawa na alam natin na papasa sa standards natin.. hehehe...![]()
nope, hindi magkapareho yung OEM saka yung aftermarket na fender flares. yung sa casa kasi alam ko meron pa additional mounting sa fenders e. may nakita kasi ako dati nabasagan din ng fender flares, nakita ko may additional na butas pa sa fenders. yung aftermarket on the other hand e nakascrew lang sa pre-existing screws ng fenders. yung OEM, seamlessly integrated with the mudguards, while yung aftermarket e nakapatong lang sa likod ng mudguards.
di kita na-text bro kasi turo ni sir av80r don't text while driving.
medyo madilim lang yun interior niya bro kasi all black. pero dahil may bago siyang 2-din, medyo may liwanag at naaninag ko ang mukha. mukhang bading bro saka mukhang may sayad, kaya wag mo na patulan... hehehe...
sir ingat para sa iba din, baka modus iyan at baka anong masama pa nangyari sayo kung di mo nalock door mo.
share ko nalang din to dito para maging aware kayo.
isang araw, yung officemate ng tito ko magdedeposit sa bangko somewhere in fort bonifacio, mga 3AM iyun. Nagparallel park lang siya sandali infront of the bank kasi akala nya walang tao but nung pumasok siya at mahaba pila lumabas nalang ulit siya para ipark ng maayos oto niya.
Nung papunta na siya sa isang parking slot, may 3 lalaki na humarang sakanya at yung 1 binuksan yung pintuan niya ( di nakalock ) then nung pumasok na yung 1, sumunod ang dalawa. Pinaikot ikot yung ofc mate ng tito ko kung san san until umabot na sila ng 3AM kakaikot.
Nung nakatunog na yung officemate ng uncle ko na tutuluyan siya, nanlaban siya at napuruhan niya yung 3 pero siya, nasaksak din. Binaba niya yung 3 goons then nagdrive siya straight to the hospital kahit na me saksak siya.
Nakuha yung 30k(?) na idedeposit niya at mga valuables na nasa kanya during that time.
ingat lang mga peeps. yung mga loko walang pinipiling lugar, kahit sa fort bonifacio na napakandang place eh nakakagawa ng kalokohan.
yan ang may katok. walang magawa sa buhay.![]()
bro, i doubt na may makukuha kang one piece lang. pero pwede mo pa rin try. what you can do is ask your insurance to give you cash instead at ikaw na ang bumili. then, kung isang set talaga ang kailangan bilhin. meron kang extra which you can sell or use (knock on wood) in the future.