i used the paddle shift and stick interchangeably. mas maganda response sa lower rpm kung nasa manual ka kesa palaging nasa D or AT. kung nasa akyatan ka at ma-kurbada mga daan, very helpful ang paddle shift, pitik pitik ka lang and kamay mo at steady sa manibela. pareho lang naman kahit sa stick o sa paddle ka mag-shift, nakikita naman sa dash kung anong gear ka na. automatic talaga na mag-downshift once na mag-menor ka say nasa gear 3 ka at bigla ka nagbagal o huminto, automatic na yan na bababa sa gear 1 o primera. yung upshifting ang manual. kapag sanay ka na nasa D or AT at mag-manual ka, medyo pakanyod kanyod din takbo, pero kapag nakabisado mo na ang timing ng shifting at apak sa silinyador, very smooth na, para ka ng naka-manual. tanong?AT na nga bakit pa minamanual? wala lang, ok din kasi yung may kinakambiyo at pinipitik pitik na paddle shift. mas ok ang aranngkada at anong silbi kung hindi gamitin
