mag share ako sa inyo about differentials. ilang gabi ako na Puyat kaka basa about diff ng fieldmaster.
after masira ang rear diff ko naghanap ako sa banawe ng surplus Rear diff. thanks kay pareng Monty at dun nag simula ang lahat.
ang oem rear diff ng Gen 2.5 ay 4.9 ang ratio. nung binili ko yung surplus na diff walang kahit anong markings. at di pa ko familiar sa ratios. dapat pala same parin sa 4.9 or else di siya gagana with Super select 4x4. diyan nag simula ang problema ko. After install ng rear diff nag sctex ako agad to test at high speeds.
napansin ko agad na parang bumilis ang takbo dahil usually nasa almost 2.5k rpm ang 100kph. but ngayon at level ground nasa 2300 lang siya. mas tahimik ang makina at mas relaxed. sa isip ko ok lang dahil mas matipid din sa diesel to. after pag dating ng subic. pumunta ako sa beach to test my new surplus lsd. dito din abot tainga ang ngiti ko. napapaikot ko na ng sabay ang two wheels at kumakamot. tuwang tuwa parin ako. sinubukan ko rin sa basang asphalt road habang may speed konti turning left. bigla ko binaon ang accelerator sa turn kung dudulas ang rear. aba ang galing medyo may slight kamot and drift and controlled parin thanks sa lsd.

parang sa toyota 86 pag lumiliko ka at madulas. sasayaw yung pwet.
heto naman ang problema di na ko makapag 4H sa kalye. dati pag basa ang kalye. automatic na shift agad to 4H. napansin ko lang na parang pigil ang takbo. yun pala mas mabilis ang ikot ng Rear ko kaysa harap. and nag basa ako about center diff di siya pwede patakbuhin ng unequal ratio. kahit open siya.
at first gusto ko na ibalik sa pinag bilhan ko yung diff para palitan ng 4.9 para balik oem. but napaisip ako na gamitin ko muna yung setup ko ngayon. pwede parin naman ako mag 4x4 but dapat sa lupa. Di pwede sa roads.
para pala malaman ang ratio ng diff pag walang markings. iikotin mo lang yung wheels 10 times. pag ilan ang ikot ng propeller yun ang ratio natin. kaya sa oem 4.9 it means Naka 49 ikot yung propeller. yung nakuha ko is 4.65 which is 46 and a half na ikot. ang rear diff din ng Gen 2.5 is bigger than local Gen 2. 9.5 inch Vs 9 inch. Yung nakuha kong surplus is designed Gen 2.5 na 3.5v6 gas version. sa ngayon gagamitin ko nalang muna itong setup ko. pag masiraan kayo ng diff mas alam niyo na hahanapin. Di naman ganun kabigat gastos. 7.5k for the diff and 2.8k for labor. tapos napakilo ko pa yung Old diff ko 1k din nakuha ko. and may rear rotor and caliper brakes ako. Baka meron may kailangan sa inyo.
