Naku sir ganyan din nangyari sa akin pero sa ibang dealership naman, last week pa ako kumuha ng unit, pero kagabi ko lang nakuha. Ang
Sinasabi anman sa akin ng SA sa text e in transit daw ang unit, kesyo madami pandaw inaayos, nasa batangas pa, tapos nasa cainta na daw at chinecheck pa daw ng kung
Sino sino.
Yesterday was the last draw for me and my dad, tinext ko SA ko at sinabi ko na kakausapin namin manager kasi pinagawan nya kami ng managers check tapos hindi nya ma gawa na irelease yung unit sa promised date nya.
Then biglang tumawag, kukunin na daw nya sa planta yung unit pumunta na lang daw kami sa office. Ang tagal!! Pero dumating din naman after ilang hrs. Ang sabi niya napaka dami daw kumukuha sa planta at talagang naka pila mga SA, chambahan daw talaga kung sino ang mauuna.
Sir ang opinyon ko sa nangyari sa yo e nahihirapan makakuha ng unit SA mo, ginagwan na lang ng dahilan yung mga
Sira na sinabi nya. Im sure gusto na lang nila palipasin yung Christmas rush para mas madali para sa kanila.
Narinig kondin sa ibang mga SA sa dealership na yung iba sa kanila nag papatay na ng telepono ngayong magpapasko kasi kinukulit sila ng release ng mga client nila ngayong week na ito which is mahirap sa kanila kasi traffic at unahan nga sa pila dun sa planta.
Bihira na ngayon ang SA na may malasakit...