New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 10 FirstFirst 123456789 ... LastLast
Results 41 to 50 of 100
  1. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    1,813
    #41
    1. malaysia airlines 2007 - me nakatabi akong mag-ina nang mag-stopover flight sa frankfurt.
    me nakipagpalit na chicks para yata magkalapit sila ng kasama nya. pagpunta ko sa original seat nya magnanay pala yung katabi. :mad:
    la na ko nagawa. tiis na ko up to KLIA.

    2. delayed flight sa jetstar. from 9pm naging 2am. mautak din sila at di pinaabot ng 6hours yung delay.
    Last edited by xwangbu; September 30th, 2013 at 09:56 PM.

  2. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #42
    akin worst yung site a to site b. Twin otter yung eroplano.

    bago ako nun minobilize agad ako from Tripoli to site A to SIte B yung Tripoli to site A maayos kasi Dash8 pero yung site A to Site B twin otter biglang tumataas at bumababa amoy gasolina pa sa loob dun ako nasuka (first time ko sumuka sa eroplano)

  3. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #43
    I thought never ako maka experience ng worst flight. Actually gusto ko din i-post sa badtrip thread.

    Prior to our trip yung gf ni utol na FA ng PAL inayos na seats namin, so papunta BKK no worries maganda yun seats and malaki na plane forgot the model nga lang.

    Going back to manila kanina, sa check-in hindi ko napansin naiba seats namin, we got seated 2nd to the last row. Tapos delayed ng 1 hour yung flight. Not surprising so okay lang and since maganda airport ng BKK enjoy naman kami ni esmi magpatay ng oras kain and shopping.

    Then we boarded na, its a smaller plane than we ride going to BKk 6 seats per row lang siya.
    People came in, plane is jampacked as in no seats ang bakante. Im hoping na wala ako makatabi so i can stretch and have more space. Kamalasan bunch of unruly OFWs (base sa kwentuhan mga seaman sila) mga nakasabay namin, ang ingay nila! Parang may party and parang 1st time nakasakay ng plane. Siguro hindi maiwasan since big group sila sumakay and to add-up pauwi na sila ng pinas kaya todo ang saya at excitement.

    (No offense meant, dinescribe ko lang the way sila nung asa plane)

    Kinukulit mga FA, nag sisigawan sila while talking to each other. Yung katabi ko wala ata pakelam sa katabi sinakop na nga yung armrest (im sitting sa middle) lampas pa yung siko niya kaya nakadikit sakin. Hindi pa nasiyahan panay kuyakoy as in nanginginig buong row. Nung una pinapalampas ko, im just staring at the guy tapos titigil siya pero tuloy pa din mannerism ata niya, i can't stand it anymore so i asked him nicely na sir baka ho pwede wag tayo magkuyakoy nakakahilo ho kasi nanginginig mga upuan natin. Nakakalimot pa din at kuyakoy pa din animal talaga.

    Yes i sounded like a diva and i should bought a business class ticket.

    My point is maging considerate naman to others, i know mahirap hanapin yung ugali natin sa kapwa natin.

    I just want to vent it out.

    Di pa natapos dun dahil asa last row kami, balagong kami sa pila sa immigration ang habaaa ng pila haaaaaay!

    Thank god nakauwi na kami ng bahay.






    Sent from my iPhone using Tapatalk - now Free

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #44
    Napansin ko din yan sa mga trips kong may nakasakay na mga seaman. Maiingay talaga, parang nasa kanto at nagiinuman sa lakas ng boses.

    There was once na sa airport palang, nalasing na isa sa mga seaman, nagwawala and humihiga sa sahig. I thought hindi na papasakayin sa airplane. Buti nalang nakatulog sa kalasingan pagsakay sa airplane. I was expecting magkakaroon ng gulo sa loob ng airplane dahil nga lasing.


    Sent from my iPad using Tapatalk - now Free
    Signature

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    289
    #45
    Biyahe ng zestair to our province mabantot yung china made turboprop, napapa ninja mask ako whole trip. I remember naamoy ko similar smell in a bnew china car. The ATR turboprop ng cebupac to coron may bit milder bantot, first impression ko china made din but its french pala. Nakakatawa lang kasi nung recent trip ko may mga kasama ako na di familiar and they thought sa katabi nila galing yung amoy.

    Yung worst is malapit na flight sa destination airport kulang na lang ilanding when the pilot decides not to land and turn back.

  6. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    221
    #46
    Medyo OT pero same problem: co-riders/ co-commuters. Bullet train ride from beijing to shanghai china. 5 hour travel at average speed of 300kph.

    Kakukuha lang ng tulog sa pagkakasalpak sa komportableng upuan na mas maluwag kesa sa eroplano. Isang batang intsik na lalake na 8 taon gulang siguro at kasama ang nanay at lola. Sukat ba naman paglaruan ang tray table. Pipihitin yung lock at mahuhulog ang tray, ibabalik ang tray, pipihitin at ihuhulog na ulit. Pag hindi natuwa sa pagkakabagsak ng tray, tatadyakan ng 3 beses ang likod ng upuan ko with his elder companions cheering him on! Hurray! Buong 4 na oras ganyan ginagawa ng mokong na bata. Nung huling isang oras, ginawang beatbox yung tray, kaso imbes na daliri gamitin eh buong palad sinasabayn pa ng pagkanta ng nanay! May sigaw sigaw pa ang mokong. Sarap dagukan pero baka bugbugin ako ng mga katropang intsik.

  7. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #47
    Quote Originally Posted by boybi View Post
    Napansin ko din yan sa mga trips kong may nakasakay na mga seaman. Maiingay talaga, parang nasa kanto at nagiinuman sa lakas ng boses.

    There was once na sa airport palang, nalasing na isa sa mga seaman, nagwawala and humihiga sa sahig. I thought hindi na papasakayin sa airplane. Buti nalang nakatulog sa kalasingan pagsakay sa airplane. I was expecting magkakaroon ng gulo sa loob ng airplane dahil nga lasing.


    Sent from my iPad using Tapatalk - now Free
    Im thinking baka nakainom na din sila sa airport, while on plane nag serve na ng drinks, "ah miss baka may isang bote ka ng whiskey, para samin lahat na yun ayos na" the FAs declined. Ayun beer naman mga hiningi akala nila naka bottomless sila.

    Ang gulo talaga!


    Sent from my iPhone using Tapatalk - now Free

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #48
    Going to China...

    May katabi ako mag ina yung batang lalaki mga 5-6 yrs old siguro mga chinese sila... Pinagagalitan nung ina yung bata ang lakas nang boses.

    Nung patake off na yung airplane ok naman maayos kunting gulat lang biglang maya maya nakakaamoy ako nang mabaho parang amoy ebak. Check ko sapatos ko wala naman yung mga nasa likod at harap namin lenga na din ang lenga .... yung british na nasa harap namin biglang hindi nakatiis sumigaw dun sa FA do you smell ****?

    Potek yung batang katabi ko natae siguro sa takot at ang pangit pa halos tubig yung inebak... pati yung silya basa nang ebak dahil sa tagal na hindi kumilos nung bata.

    Kawawang bata tulala habang binabatukan nung nanay. Buong flight nakatakip kami nang ilong dahil dun sa silyang may ebak.

  9. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #49
    Not the worst flight experience pero sa cebu pac madalas nilang sabihin na due to air traffic in manila airport kaya hindi makapag take-off ang plane.

  10. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    360
    #50
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    Not the worst flight experience pero sa cebu pac madalas nilang sabihin na due to air traffic in manila airport kaya hindi makapag take-off ang plane.
    laspag na palusot na nila yan (cebu pacific and zest air)..

    bohol to manila dati, 1.5hrs delay. aba ang lagay e nasa manila pa pala yung eroplano (same reason, air traffic kuno)..same thing happened kalibo to manila. sabi ng friend ko na ground crew, parang may pulitika din daw pala dyan, sa tower. pansinin nyo yung PAL na domestic bihira madelay. naniwala ako sa kwento nya kasi while waiting sa tagbilaran airport, sunod-sunod ang dating ng PAL--so nasaan yung air traffic na yun na dahilan nila? i maybe wrong, pero posible.

    sa international naman, not that much. recent was singapore airlines. not with the airline itself (ang gaganda ng FAs ehehe), but their airport (changi). stopover from middle east ako nun, halos dalawang oras kami sa taxiing makikita sa bintana na madaming lumalapag kaya pila ang take off. yun e understandable naman, yung piloto na mismo nagsabi na one of the busiest airport daw kasi ang SG.

Page 5 of 10 FirstFirst 123456789 ... LastLast

Tags for this Thread

What Is Your Worst Flight Experience?