Dalawang dike sa Pangasinan ang nasira matapos na hindi kayanin ang ibinuhos na ulan ng bagyong “Pepeng" na halos isang linggong nanatili sa teritorya ng Pilipinas.
Ayon kay Pangasinan Rep. Mark Cojuangco (5th district), nais niyang malaman kung nagkaroon ng kapabayaan sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam, partikular sa Agno na dahilan ng matinding pagbaha sa lalawigan.
“The heavy flooding in the province is unprecedented," ayon kay Cojuangco, anak ng business tycoon na si Eduardo “Danding" Cojuangco.
Sinuportahan ni An Waray party-list Rep. Florencio “Bem" Noel ang pahayag ni Cojuangco upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko sa sistema ng pagpapakawala ng tubig tuwing may malakas na bagyo.