Papunta ako ng Baguio kagabi kasi magkikita kami dapat ng erpat ko kaninang madaling araw para i-relay nya sa akin yung collections and undelivered medicines nya. Sira pa naman yung car radio ko kaya hindi ako makapakinig ng balita nun.
Buti na lang may naikabit akong hands-free na phone set kaya nasagot ko young phone nung tawagan nya ako. Muntikan na raw sya run sa landslide sa Baguio tapos binabaha na raw sa Pangasinan, La Union & Tarlac.
Nasa Gerona/MacArthur Highway na ako nung makita ko yung tubig na parang mabilis na tumataas. Biglang bwelta ako pabalik ng SCTEX. Ang hirap pa namang mag-drive nun kasi ang lakas na ng ulan tapos ang dilim pa.
Pagkauwi ko medyo hysterical pa yung ermat ko kasi yung mga kamag-anak nya sa Pangasinan & La Union hindi na ma-contact.