Quote Originally Posted by boybi
being the incumbent president during election period, dapat alam na nya kung ano ang tama at mali, kung ano ang dapat at hindi dapat. dapat sya ang mag set ng example para sa lahat.
Tama ka, boybi. Kaya nga nag-sorry si GMA dahil nawala sa isip niya yun at tinawagan niya yung comelec official. Tao lang, kung baga. Nagkakamali rin.

Ang pinagtatalunan sa impeachment, hindi yung pagtawag ni GMA "per se", kundi kung ano yung pinag-usapan nila nung tumawag siya "allegedly" kay Garci. Kaya nga yung word na "dagdag" ang issue dun sa wiretap tapes.

Isa pang issue: Kung papaayagan mong gawing evidence ang isang wiretap tape sa isang congressional hearing, eh pwede itong gamitin as a precedent in the future, diba?

So pwede palang mag-wiretap at gamitin ito sa korte? Diba? In the future, pwede itong i-invoke ng lawyers saying, "Eh bakit yung wiretap tapes nung panahon ng Hello Garci eh pinyagan sa korte? Tapos ngayon kami ayaw nyo payagan yung wiretaps namin???".

So it's a legal issue. It's not just about the truth.