Quote Originally Posted by greenlyt View Post
^
meron din nun sa legaspi sunday market pa kami mga 30 mins. before closing time, may dumating naka benz pumunta sa pwesto namin sabi kay wifey dapat 50% off na pumayag naman si wifey ako medyo hesitant
aba mga 3 weeks pabalik balik laging closing time dumating laging 50% off gusto
nun fourth time sabi ko hindi na 50% off uwi ko na lang sa bahay yun mga sobra, simula nun hindi na bumalik :D
hanep naman yan sa buhay. pero masarap ata talaga gawa niyo ni esmi.

naalala ko tuloy yung estante ng krispy kreme sa moa. nakatayo ako sa gilid eh closed na. bigla akong tinakam tapos maluhaluha ako. ibinuhos yung mga donat sa trashbag, pinagpunit-punit at binuhusan ng sopdrinks. hindi pa sila nagkasya dun, merong stick na round yung dulo at winasak ng winasak
yung pagkatao ng mga donat! hanggang sa mawasak at lumaki ang kanilang mga butas at lumabas ang mala bitukang creams nila at bumulwak ang maraming-maraming strawberry jelly na mukhang dugo!
naiiyak ako sa saket... ng sikmura.
sana tulad ng sa country style donats na habang papalapit na closing nag iilang percent off up to 30% pag 15mins before the store closes.
wala eh, dukha lang ako.
gustuhin ko mang mag mukhang mayaman pag nag neck tie ako mukhang salesman. pag nag barong mukhang valet. valet dancer.

Posted via Tsikot Mobile App