New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 8 of 10 FirstFirst ... 45678910 LastLast
Results 71 to 80 of 93
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #71
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    natatawa nga ako eh, halatang gustung gusto ng konyatan ni ry!
    hindi nyo kayang konyatan si RETZ matigas lahat dyan. Mukha at ulo.

  2. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #72
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    Kaya nung nagtrabaho ako sanay na sanay ako sa pagtitipid.
    meron nga akong skulmeyt na kupal tapos naging opismeyt ko pa. anlakas mangasar.
    por que nakikita akong kumakain ng footlong pag lunch sa opis since peborit ko talaga mga hotdog (yung pagkain at hindi ako bading), pagsasabihan ako ng "pre, huwag kang ganiyan! huwag mong tipirin sarili mo, kumain ka ng tama! kaya ka nga nagtatrabaho para mahalin mo sarili mo tapos kakain ka lang ng ganiyan!"
    napapatingin tuloy mga tao sa canteen.

    pag ililibre ko naman ng sopdrinks sasabihan ako "tama yan! huwag yung makakatikim at bibili ka lang ng sopdrinks dahil may okasyon o bertdey ng anak mo!"

    minsan binuwisit ko, sinabihan ko ng "umuwi ka na ng maaga dahil sa totoo lang hindi mo kamukha yung panganay mo!"
    mag mula nun, hindi nako inaasar. makakatikim rin siya eh, hehehe.

  3. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #73
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    hindi nyo kayang konyatan si RETZ matigas lahat dyan. Mukha at ulo.
    ikaw naman, guni-guni lang naman natin yang retz na yan. kayahuwag na tayong umasa na makikita natin yan dahil isa lang siyang kathang-isip.

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #74
    Elementary - 25 cents
    H-school - 75 to 150 cents (1980's)
    College - 50 to 75pesos a day.

    Pagkagraduate ko ng college may ipon na akong less than 3k. Pero yung kaibigan ko na 100pesos ang baon everyday, yung 500 pesos e hingalo na pag dating ng thursday.

  5. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    1,365
    #75
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    meron nga akong skulmeyt na kupal tapos naging opismeyt ko pa. anlakas mangasar.
    por que nakikita akong kumakain ng footlong pag lunch sa opis since peborit ko talaga mga hotdog (yung pagkain at hindi ako bading), pagsasabihan ako ng "pre, huwag kang ganiyan! huwag mong tipirin sarili mo, kumain ka ng tama! kaya ka nga nagtatrabaho para mahalin mo sarili mo tapos kakain ka lang ng ganiyan!"
    napapatingin tuloy mga tao sa canteen.

    pag ililibre ko naman ng sopdrinks sasabihan ako "tama yan! huwag yung makakatikim at bibili ka lang ng sopdrinks dahil may okasyon o bertdey ng anak mo!"

    minsan binuwisit ko, sinabihan ko ng "umuwi ka na ng maaga dahil sa totoo lang hindi mo kamukha yung panganay mo!"
    mag mula nun, hindi nako inaasar. makakatikim rin siya eh, hehehe.
    buti di sinabi sa yo na bakit ikaw tatay?

  6. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #76
    Quote Originally Posted by cardict View Post
    buti di sinabi sa yo na bakit ikaw tatay?
    hehe, kahit marumi isip nun ni minsan di pa naman pumasok sa isip niya yung
    ako.
    ang pinagseselosan niya, isa sa nagdedeliver ng tubig sa kanila.
    nampota kamukha ni mosley. buwahaha!

  7. Join Date
    Sep 2012
    Posts
    842
    #77
    Elementary and High School naglalakad lang papuntang school at pauwi ng bahay. At dahil sa bahay na rin kumakain ng lunch kaya dalawang balikan, kaya ang itim ko noon dahil bilad sa araw, at nababasa kung tag-ulan, mga 0.8~1km na lakaran ba naman one-way lang yun. Tapos 2 anak ko ngayon, meron A/C school service with uniform since their pre-schooling.

    BTT:
    Elementary: P2, pambili ng P1 palamig, P1 for chichiria, excluding kung meron projects
    HS: P7, P5 coke, P2 skyflakes. Ang hirap tipirin yan para lang makapag regalo sa nililigawan kung b-day niya o kapag Pasko, excluding kung meron projects
    College: My parents sent me to Baguio City na, bedspacer, binibigyan na lang ako ng ganitong pera at bahala na ako magkasya doon. If I look back the past, nakabuti sa akin yung ganung training

    ...to present: ito nag-aaral pa rin ako paano pag manage ng pera, attending Financial Literacy seminars for Investments naman, nasa paper investments pa lang ako.

  8. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,278
    #78
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    natatawa nga ako eh, halatang gustung gusto ng konyatan ni ry!

    yari ka retz, huwag ka ng papakita kay ry. di pa niya malimutan yung mga spoiler mo sa movies.
    Pinaalala niyo na naman eh. Magaya ba yan sa roommate ko sa condo dati na banned for life na sa gimiks ko kasi sinabi niya patay na daw si Bruce Willis sa pelikulang Sixth Sense. Buwisit.

    Pero hindi ko sasaktan si retz kapag nagkita kami. Kung chinese talaga siya, gagwin ko lang buglat mata niya. If siya naman yung sa bday video ni Uls na hindi naman singkit ang mata, ayusin ko lang kilay niya.

    BTT:

    Elem - hindi ko na matandaan daily allowance ko pero lunch kasi packed na. So mga less than P10 siguro?

    HS: Parang P30 ata tapos naging P50 nung 4th year(humingi ako dagdag kay erpats kasi may GF nang hinahatid pauwi eh). Again lunch is packed at sa school kumakain kasama ate ko.

    College: P150-200 depende sa gastos or tipid the week before, hehe. Lunch and meryenda lang pati mga twice na trike fare daily.

  9. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    2,450
    #79
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    Anong pagtitipid sa allowance na ginawa niyo nung kayo ay estudyante pa lang?
    Isang kaibigan namin. Hindi siya nagtitipid kc wala naman titipirin hehehe. So sa canteen hihingi ng tutong ng sinaing tapos sabaw ng kung anu mang ulam na meron sa araw na yun. Parehas libre yun.

    Sent from my GT-N5100 using Tapatalk 2

  10. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #80
    Quote Originally Posted by Lew_Alcindor View Post
    Isang kaibigan namin. Hindi siya nagtitipid kc wala naman titipirin hehehe. So sa canteen hihingi ng tutong ng sinaing tapos sabaw ng kung anu mang ulam na meron sa araw na yun. Parehas libre yun.

    Sent from my GT-N5100 using Tapatalk 2
    parang nakakaawa ser.
    may janitress sa school ng anak ko, may itsura, on-off sa college. laging ininterview ng anak ko kasi late
    ko na nasusundo so tsini-chika niya. hindi makapag straight sa kolehiyo dahil sinisingit yung mga pag-aaral at baon ng mga kapatid. pag bumabalik daw siya sa college, madalas walang allowance kasi said talaga. meron man, pamasahe lang. samantalang yung iba dito, baon pa lang suweldo na.

Page 8 of 10 FirstFirst ... 45678910 LastLast
student allowance?