High School 20 petot... walking distance lang kasi ang school at recess sa morning lang naman ang gastos ko. Lunch sa bahay na lang. Usually ang nagagastos ko dun 10 petot lang yung 10 petot save ko para may pang date at pambili nang gamit/damit kasi tuwing pasko lang kami bili nang bago. Training allowance ko yun ang pinambabayad ko sa school supplies, uniform at kung ano ano pa yung matitira saving pa ulit kasi baliktad sa amin pagpasko ang anak ang nagbibigay nang regalo sa magulang.
College 50 petot... ganun ulit ang sistema kaso may pamasahe na ako mga 12petot balikan kalahati ang savings kung nagugutom ako kakain ako sa mga tindahan sa labas 1.5 rice at kalahating ulam na libre ang sabaw.
Kaya nung nagtrabaho ako sanay na sanay ako sa pagtitipid.