ayos comment ni Erap. wala na pinag iba sa comment ng mga jeepney driver at vendors.
"nag hahanap buhay kame ng marangal tapos tatabuyin niyo kame, hinde naman kame nagnanakaw."
so ok lang mag terminal sa intersection at mag cause ng traffic kakahintay ng pasahero kasi nag hahanap buhay lang.
so ok lang na mag tinda sa gitna ng kalsada at wala na madaan ang mga pedestrian kasi nag hahanap buhay lang.
Totoo naman eh mas maraming mahihirap sa Pilipinas. Madaling maging apathetic pero pag naging salot ang mahihirap at nanggugulo sasabihin natin "bakit hindi magtrabaho ng marangal". Tama naman na linisin yung daan pero role din ng government na tulungan sila. That's our taxes working for us.
Sent from my HUAWEI VNS-L31 using Tapatalk
kahit san angulo mo tignan mali parin naman talaga ginagawa nila e.
kaya ako idol ko yun family ng dati kong classmate. informal settler sila, sinabihan sila 90s na soon eh papaalisin sila. ang ginawa ng magulang, nag sikap at nangutang pambili bahay sa cavite. nakaalis sila agad bago pa ma demolish.
Sent from my MI MAX 3 using Tapatalk
maganda sampolan, in your face no? LOL
sige nga magnakaw ka .. gago lang, di naman obligasyon ng gobyerno bigyan kayo ng pwesto para mag benta eh
also yun na interview na trike driver, sinungaling daw sabi ni gf na 20 lang daw pamasahe. kasi 150 php daw binayad nya sa less than 500 meters na byahe
Gusto kasi nila sila ang masunod eh. Yuh ilaya saka tabora pwede sila doon pero kailangan nilang magbigay ng isang lane para madaanan ng tao pero juan luna to Recto bawal talaga para daanan ng kotse. Kung ayaw nila ganun tama sabi ni Isko umalis na lang sila ng manila.
Sent from my iPhone using Tapatalk
squacky kasi bro, parang yun nakaaway ko dati sa baclaran tambo. nanggugulo at nanakit ng mga bata (19 sya pero HS parin), tapos ako nasa 20-21 iirc. inawat ko, nagalit at sinapak ako; ginulpi ko, tapos pagdating sa kasuhan sa mediator, ako pa masama dahil mas bata pa sakin. nun tinuluyan ko yung kaso, sinabihan ako ulit nung mediator na wala naman daw ibabayad dahil mahirap lang sila. O_o
I'm for what Isko is doing. I'm only speaking about sa pinanggagalingan ng mahihirap na vendor. Kung illegal, pwedeng tulungang isaayos at gawing legal. Mas sasakit ulo ng gobyerno sa mamamayang walang makain or kaya salot sa lipunan. Sa munisipyo/ pulitiko rin kumakatok at nanghihingi ang mga yan.
Kahit malayo at masikip, pinupuntahan ang divisoria dahil mura. Hindi lang vendors, may mga mga consumers na nakikinabang.
The way I see it, hindi anti-poor si Isko kasi sa Divisoria din siya galing. Ang ayaw niya yung corruption dun tsaka gusto niya ayusin para din sa mga tao.
FULL TEXT: Ano ang plano ni Isko Moreno sa ambulant vendors ng Maynila?
Sent from my HUAWEI VNS-L31 using Tapatalk
Ayaw nga nila ng maayos eh gusto nila kanya-kanya sa gitna ng kalsada. As I've said I aya, tabora saka carmen planas allowed sila but definitely not in Juan luna to Recto saka yun divisoria.
Puro sila reklamo mamatay sila sa gutom.
Palusot ng mga yan hihingi ng guhit sa kalsada hinde daw sila lalagapas pag binigay yan dahan dahan papunta na sa gitna.
Mas mabilis tanggihan na agad kesa pagbigyan tapos sigurado naman hinde susunod mga yan saka papaalisin.
Paulit ulit lang
Sent from my iPhone using Tapatalk
Last edited by shadow; July 10th, 2019 at 09:56 AM.
Hindi ba may tungkulin satin ang gobyerno kaya nga tayo bumuboto at nagbabayad ng tax. Kung hindi mapapabuti ang buhay natin eh bakit pa sila andiyan? Sino ba ang unang tinatamaan ng mga ginagawa ng gobyerno? Ang mga middle class at mayayaman they can live in such a way na hindi sila masyadong maaapektuhan. Pag ayaw na nila, some of them can leave the country. Ang mahihirap, mga pagtaas ng bilihin ramdam ng mga yan. Kung kakain pa ba sila or hindi. It's even the lower class' vote who elected our leaders tapos wala pala silang maaasahan sa gobyerno?
Sorry na-derail ko na yung topic. Triggered mo si aq ih. [emoji111]
Believe me, inis din ako sa ugaling iskwating. Dito sa lugar namin, ang iingay, ang kakalat. Puro panlalamang. Walang modo, walanghiya, iskandalosa. Hindi mo pwedeng patulan kasi idadrag ka sa low level niya. Pero mas gusto ko nga na umangat sila, maging edukado, magkatrabaho kasi that way the way they live and think will change, which will affect the people around them.
Sent from my HUAWEI VNS-L31 using Tapatalk