Results 71 to 80 of 106
-
August 28th, 2006 08:17 AM #71
siguro depende sa bansa na pupuntahan mo...displina lang...kung wala kang disiplina sa sarili mo ..maaari ganyan nga ang mangyayari..hehehehe
Di mo makikitang lumalaki ang mga anak mo dahil kung taunan ang uwi mo at 21-28 days lang bakasyon taon taon. Anonymosity andoon sa isat isa, lalo na sa mga me sanggol na anak nang umalis at pag uwi eh naglalakad na sakit yan sa loob pag uwi mo di lalapit sayo ang bata dahil di ka kilala
Wala ka sa mahahalagang okasyon ng asawa mo at anak mo.
Kung gastador ang asawa mo di marunong mag ipon at bigay ng bigay sa mga kamag anak nya, pag uwi mo kung ano ka financially bago umalis ganon ka pa rin pag uwi mo.
bakit ka naman magpapadala ng sobra sobra?
Di marunong sa pera ang OFW mismo, porke nakita ng malaki ay bili ng bili ng mga gamit na di kailangan ito ang inuuna. Like component, Malaking TV, Sapatos
na bagay..
Sugarol ang OFW, pagka dinala ng OFW ang pagkasugarol nya sa abroad lalo na sa Saudi kupo ubos ubos ka roon. Noong asa Saudi ako gabi ng pasuweldo sa katabing kuwarto namin me 90 thousand riyals na pinaglalabanan ng 30 katao sa Lucky nine na sugal, nang ni raid nwala ang pera di na alam kung asan. Karamihan pa eh mga pauwi ang mga OFW na naglalaro so umuwi sila ng alang pera, nangutang pa at nag sangla sakin ng sapatos para lang daw me pambili ng tsokolate sa anak nila.
isa lang ang kasagutan pag nag-abroad ka....kailangan mo ng
disiplina sa sarili,tyaga, at tibay ng loob..
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 235
August 28th, 2006 08:20 AM #72paalala lang sa mga kababayan pinoy: kung naguumpisa ka pa lang na
magkaroon ng pamilya sa pilipinas, at balak nyong mag ofw. mag
isip-isip kayo na huwag mag anak ng marami. isa o dalawa tama
na; kasi magiging problema mo ang maraming anak. tapos pag
laki at nagsipag asawa ng mga anak nyo lalayo din sila sa inyo.
(hindi assets ang mga anak,unless na yumaman ang isa
sa kanila at susuportahan ang retirement needs mo) pero meron
din silang sariling buhay at pamilyang uunahin syempre.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2006
- Posts
- 31
August 28th, 2006 12:44 PM #73i agree sayo laser ramon akala mo kung sino mga pinoy sa japan lalo na yung matatagal na (di ko ni lalahat pero karamihan) ganyan din na expernced ko nung bgo pa lang ako sobrang yabang talga specially mga babae akala mo feeling artista talga ang pa pangit naman...naisip ko lang di ko cguro sila masisise kc sa hirap ng buhay na pinag daan nila dun pero mali pa rin kc sama talga ugali eh akala mo kung sino umasta tama ka titignan ka talaga ulo hangang paa...
-
August 28th, 2006 02:24 PM #74
Tama ka kapatid, kasi in my case kahit X3++ nun ang combined income namin monthly eh kulang pa rin with my 3 kids in elem and pre-elem pa lang and we're also treading murky waters kung sa lifestyle lang namin titingnan. Utang dito, utang dyan....nakalusot din naman at magkakasama pa kami.
Kaya nga lang minsan talaga, naiisipan ko na din magpadala ng resume sa binigay na website ng mga kapatid natin dito sa tsikot. Mahirap lang talaga kalaban ang inip at homesick siguro...kaya saludo ako sa mga OFW na mga kapatid natin.
-
-
August 28th, 2006 03:44 PM #76
sa mga nagbabalak pa lang na maging OFW, kung homesick ang iniisip niyo na kalaban siguro pumili kayo ng mas malapit ng bansa kagaya dito sa ASEAN region. kasi pag dito kayo napunta ay parang nasa pilipinas lang ang pakiramdam niyo.
-
August 28th, 2006 04:01 PM #77
ehem
ipagpaumanhin kung di malinaw kong nabanggit na ang mga disadvantages na binanggit ko ay tiyak na mangyayari pagka ikaw ay naging OFW.
Pero tinuran ko po roon sa unang disadvantages and salitang maari kanya po sa bandang huli ang mga negatibong nabanggit ko ay maari ding maiwasan lahat depende na rin sa taong nais maging OFW. Kayat hindi ko po nilalahat
kaya tama kayo depende sa tao ang lahat na iyan, pero iyon po ang tunay na nangyayari at nangyari lalo na po sa Saudi at sanay mag silbing babala sa nais maging OFW upang maiwasan ang lahat ng ito.
isa pa pala,
Bilang isang OFW mapa babae o lalaki andyan po ang tukso na makiapid, sa middle east po ang pressure po na ikaw ay makiapid ay napakalakas dahilan na rin sa iyong lumbay habang nag iisa sa pinagta trabahuhan mo. Minsan itoy nagiging daan upang iwanan na ang kani kanilang asawa na naiwan sa pinas or magkaroon ng anak sa labas.Last edited by qman; August 28th, 2006 at 04:03 PM.
-
August 28th, 2006 04:06 PM #78
halos lahat ng pros and cons eh nasabi na ng iba nating kasamahan na OFW dito sa Tsikot.....
Mahirap talagang mawalay sa pamilya pero mahirap din namang nakikitang nagugutom o naghihikahos ang iyong pamilya... The choice is yours kapatid...me mga OFW na sinuswerte at minamalas, maaaring swerte ka sa napasukan mong trabaho pero malas ka naman in terms of family matters. Dami ko ng nakitang ganito....nasira ang pamilya kahit napakarami ng pera at negosyong naipundar. Meron din namang sa tinagal tagal na nag-abroad eh parang ganon pa rin ang buhay nung bago umalis gaya ng nabanggit ng isa nating kasamahan dito...
Para sa akin ang isang napaka-importanteng aspeto ay ang malakas na relasyon, pag-uunawaan at komunikasyon ng isang nangingibang bansa at ng kanyang mga mahal sa buhay para maiwasan ang mga di kanais-nais na mangyayari sa isang pamilya. Dito nakasalalay ang maganda o magulong kinabukasan ng isang mag-anak. Pangalawa lang ang masinop na pangangalaga ng pananalapi.
-
August 28th, 2006 04:16 PM #79
Meron po naman siguro sa panahon ngayon, subukan nyo po wala naman mawawala.
Me iba nga alang experience natatanggap eh, galingan mo lang ang boka pag na interview ka na at kung me trade test (practical test po ito kung Skilled worker ka) eh pag aralan at handaan mong maigi para maipasa mo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2006
- Posts
- 31
August 28th, 2006 06:58 PM #80tanung lang po sa mga ofw at naging ofw at least mag kano kya dapat swelduhin nila kada monthly minimum po para my idea ang mga gustong maging ofw kc bka maloko lang sila ng ibang agency eh halimbawa po sa saudi ang location?
It's looking a lot like a certain cruiser with that color scheme.
VinFast VF 3