Results 41 to 50 of 106
Threaded View
-
August 15th, 2006 10:41 PM #1
ano ano ba ang tips ninyo sa mga gustong mag work overseas as OFWs? ako me tips din...
#1 - dapat walang bayad na sinisingil sa applicants yung recruiting agency (pwera taiwan, me bayad yata talaga dito) kundi minimal fees lang tulad ng passport processing.yung medical nga ay sagot ng employer.kung masyadong malaki ang singil,more than that allowed by POEA, dapat kabahan ka na at baka peke ito.
#2 - dapat marunong ng conversational english. basic ito. kaya yung mga estudyante, wag ng mag-cutting classes pag english subjects na.
#3 - magkaroon muna ng local work experience (2 years and up). mahirap kasi pag sasabak ka na straight from school tapos i add mo pa yung different working environment kaagad.
#4 - sa mga engineers, kuha kayo ng AutoCAD courses kung hindi itinuro sa college.malaking advantage yan. hindi rin masama kung marunong ka ng basic computer skills.
#5 - dapat marunong makisama, hindi lang sa inuman hakundi sa pakikitungo sa kapwa workers, pinoy man o banyaga.
#6 - wag kalimutan ang communication sa pamilya lalo na dun sa me asawa at anak. kung marunong ka ng computer, nanjan naman ang yahoo messenger, tipid pa kesa sa telephone calls.
la na akong maisip...low batt na yata...kayo naman...