Quote Originally Posted by swordsman View Post
parang yong tito ko yan. nalulong sa sugal sa ME, e hindi naman sya magaling. pag-uwi, wala ring pera.. kung meron man konti, pambayad utang lang. pareho rin kalagayan nung bago sya umalis. tsk tsk gusto kong :hit:
Ganyan po talaga ang buhay ng mga OFWs (lalo na sa ME). Minsan nga uuwi na lang, nagsusugal pa, at may pagkakataong natatalo... Mayroon ngang malaki na ang suweldo, kaso gusto pa ring mag-sideline,- nagbe-brew ng 'sadike',- nahuli,- kalaboosh! Ewan ko kung anong nangyari... Mushkela!

Kaya ingat lang. At kung maaari, sundin ang batas ng bansa at huwag magbibisyo. Kaya ka pumunta roon ay para magtrabaho, hindi para ilarga mo ang luho sa katawan...

Isa pa, may ilan sa ating mga Pinoy/Pinay na nasa ibang bansa ay umaastang 'binata'/'dalaga'.... Tsk tsk... kawawa rin naman ang mga naiiwanan sa Pilipinas....