another tip huwag masyadong mabait at mapagtiwala
Kung OFW ka na at time mo na umuwi ng pinas me mga nakikipaki sayo (pakidala) limitahan mo lang at ugaliing irekisa ang laman ng padala, mapa pera man o package ito.
Lalo na kung pabalik ka as Saudi, noong araw me mga nagpapadala ng cassette tape pag di mo tsek me marijuana sa loob at pag ikaw ang nahuli lalo na sa Saudi Airport kawawa ka lang.![]()
di ba sa KSA din iyon nag yari isang matandang babae na nurse (head nurse )
may nag padala ng mga butong pakwan at cornick..tapos may kahalo pala na mga shabu sa loob ,buti naareglo iyon babae .pero iyon recipient ng mga padala iyon yata ang naging kapalit nahuli at napugutan,di na lang pinalabas masyado iyon kasi matagal din bago nahuli ang lalaki
Exactly boeing, buti kung kulong lang ang masaklap eh pugot ulo yan
tas me mga asawa pa na nagpapadala ng mga bombang pictures nila sa kanilang mister sa saudi kunwa sasabihin sayo nasa envelope eh pictures lang ng mga anak nila pero picture pala nyang nakahubo sya. Kupo... kulong yan pag nahuli sa Saudi.
totoo yan.. ingat sa mga nagpapadala.. meron isang incident sa jeddah, isang nurse, nagpadala ang kaibigan nya ng isang pakete ng binatog, pagdating sa jeddah hinuli sya kasi merong shabu na hinalo sa binatog. thru investigation and her cooperation nahuli ang may kagagawan. Buti na lang napatunayan kung sino talaga ang may sala, kung hindi sa chop chop square ang bagsak nya...
Correct me if I'm wrong
yung mutawa, parang religious officer na nanghuhuli sa mga sumusuway sa kanilang batas like yung dapat asawa mo yung kasama mong babae, kung hindi, yari ka, dapat na yung mga babae, naka-abaya (yung itim na kasuotan) lagi at dapat covered ang ulo at buhok, etc.
Batha- place sa Riyadh na karaniwang tagpuan ng mga Pinoy. Madalas dito namimili ng pang-araw araw na pangangailangan. Kung ano nasa Pinas, mabibili mo dito, kahit nga raw baboy(na bawal) kaso napakamahal daw.
mas madalas ang bentahan nito sa diplomatic quarter.(Embassy)pero sa Batha baka ngayon meron na nga,kasi masyado delikado pag doon ka bibili ng mga item na bawal,ang dami mga "ASO" diyan ..
minsan sila na mag bebenta sila pa din ang mag susumbong
may reward kasi pag nag sumbong ,
may case na dati bumili ng pirated CD.
pag layo lng ng ilang metro timbog ,hawak niya kasi ang CD
ingat ka din magsalita ng against sa religion niya,pag sinumbong ka dadamputin ka na lang pulis at kulong agad
saka na imbestigasyon kulong muna
batha: yun ang pinaka-quiapo o cubao sa riyadh. old market yun madami shops. last time andun ako was 1988, tagal na.
mutawa: ay religious police. mga matatandang arabo na may latigo sa ulo (yung latigo ang gamit nila panali sa head scarf nila) at lagi may hawak na rosaryo ng muslim. kung baga sa simbahan e mga pari yun o mga brothers. pag yun nakahuli sa iyo na tumitingin sa chicks, o kahit stoopid mistake gaya ng lalaki na meron earing, necklace o tattoo ng babae sa braso yari ka hataw ng latigo aabutin mo. di ka pwede lumaban sa mutawa, pugot-ulo kapalit pag lumaban ka.
mutawa yung mga religious police ng mga arabo/saudi. madali silang makilala kasi puro bitin ang kanilang mga saya este disdash at walang suot na singsing sa ulo or gutra tapos mahaba ang balbas. pag naglalakad sa mga mall meron kasamang mga boys scout este pulis na mga payat...
batha yung place na shopping area sa riyadh, maraming mga pinoy or expat ang nag pupunta doon lalo na pag thursday nite...
in addition, mag ingat sa pagmamaneho sa saudi arabia ng sasakyan. uso dyan ang hulidap.. yung bang pag tawid mo ng intersection e huhulihin ka at sasabihin na beating the read lite...madalas yan pag malapit na ang sueldo ng mga hinayupak na pulis. kulong na multa pa...
at saka yung one way pero walang sign.. pag tinanong ang hinahupak na pulis e inde marunong ng inglis.. asahan inde rin marunong magbasa... e kasi ba naman ang hawak sa iqama ko e baligtag....![]()