New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 20 of 106
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    636
    #1
    ano ano ba ang tips ninyo sa mga gustong mag work overseas as OFWs? ako me tips din...
    #1 - dapat walang bayad na sinisingil sa applicants yung recruiting agency (pwera taiwan, me bayad yata talaga dito) kundi minimal fees lang tulad ng passport processing.yung medical nga ay sagot ng employer.kung masyadong malaki ang singil,more than that allowed by POEA, dapat kabahan ka na at baka peke ito.

    #2 - dapat marunong ng conversational english. basic ito. kaya yung mga estudyante, wag ng mag-cutting classes pag english subjects na.

    #3 - magkaroon muna ng local work experience (2 years and up). mahirap kasi pag sasabak ka na straight from school tapos i add mo pa yung different working environment kaagad.

    #4 - sa mga engineers, kuha kayo ng AutoCAD courses kung hindi itinuro sa college.malaking advantage yan. hindi rin masama kung marunong ka ng basic computer skills.

    #5 - dapat marunong makisama, hindi lang sa inuman ha kundi sa pakikitungo sa kapwa workers, pinoy man o banyaga.

    #6 - wag kalimutan ang communication sa pamilya lalo na dun sa me asawa at anak. kung marunong ka ng computer, nanjan naman ang yahoo messenger, tipid pa kesa sa telephone calls.

    la na akong maisip...low batt na yata... kayo naman...

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #2
    =lolo pepe;616654]
    #6 - wag kalimutan ang communication sa pamilya lalo na dun sa me asawa at anak. kung marunong ka ng computer, nanjan naman ang yahoo messenger, tipid pa kesa sa telephone calls.
    importante sa akin na makapiling kong pamilya ko. di na bale, kahit magtanim na lang ako basta meron makain araw-araw, basta di lang ako mapalayo sa pamilya ko.

  3. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    396
    #3
    Quote Originally Posted by Fast Eddie View Post
    importante sa akin na makapiling kong pamilya ko. di na bale, kahit magtanim na lang ako basta meron makain araw-araw, basta di lang ako mapalayo sa pamilya ko.
    would you mind me asking how long you've had a family of your own? answers like this indicate you are just starting, or maybe even still in the gf/bf stage. ive seen it happen many times, mismong asawa mo sisipa syo palabas ng bansa para lang mag karoon ng magandang sweldo. and really, you need to set a higher goal for your family than just magtanim.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #4
    Quote Originally Posted by slip-slick View Post

    true....pera pera na talaga ang usapan ngayon...sakripisyo lang kahit malayo kayo sa isat isa..hindi naman habang buhay yun...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #5
    Quote Originally Posted by lolo pepe View Post
    #6 - wag kalimutan ang communication sa pamilya lalo na dun sa me asawa at anak. kung marunong ka ng computer, nanjan naman ang yahoo messenger, tipid pa kesa sa telephone calls.

    eto pinaka mahirap talaga sa lahat.....lots of my friend na may mga asawa at anak sa pinas...nangbabae dito..hehehehhehe
    kaya dapat matatag ka sa tukso...

  6. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    229
    #6
    Quote Originally Posted by slip-slick View Post
    would you mind me asking how long you've had a family of your own? answers like this indicate you are just starting, or maybe even still in the gf/bf stage. ive seen it happen many times, mismong asawa mo sisipa syo palabas ng bansa para lang mag karoon ng magandang sweldo. and really, you need to set a higher goal for your family than just magtanim.
    tama. minsan kelangan din magsakripisyo kahit malayo pa sa pamilya para lang mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya.. para din naman sa kanila kaya mag-aabroad dahil kung ako walang pamilya at sarili ko lang iniisip ko e di kahit lang din magtanim lang ako dito ok na. Basta ang importante e "MAG-IPON" pag nsa abroad. Marami ang walang napapala sa pag-aabroad dahil komo kumikita ng malaki e sige ang gastos dito gastos doon.. kaya ayun, pabalik balik sa abroad at mas lalong tumatagal ang pagkawalay sa pamilya. Kelangan me goal ka talaga na susundin, halimbawa iisipin mo na kelangan 5 years ka lang mag-aabroad at by that time e meron ka nang naipon na ganitong amount to be able to start your own business or pwede ding while abroad, you invest your money wisely with the help of your spouse para kumikita din.

  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    347
    #7
    oo naman, sa hirap ng buhay ngayon no... yun nga lang, sacrifices living without your family and loved ones for months. pero ang resulta, ginhawa naman.

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #8
    don sa mga nasa China.. how much is a good salary there?? monthly ba dyan?? 12 months a year lang? ano pa ibang benefits? is 20T RMB a good starting salary? I mean.. for you to be able to send some money to your family here in Pinas and still have extra cash for you in China?

  9. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    392
    #9
    May mga kakilala ako babae... sinipa ung asawa para mag ofw... para lang may freedom manlalaki... then again paano malalaman ng guy abroad na nanglalalaki si misis... buti kung sa isang bahay andyan lahat ng kamaganak para bantayan cya...

    Ingat-ingat lang...

  10. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    705
    #10
    sipag at tiyaga kailangan mo pag nagwork abroad!!

  11. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    705
    #11
    Quote Originally Posted by graphire View Post
    tama. minsan kelangan din magsakripisyo kahit malayo pa sa pamilya para lang mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya.. para din naman sa kanila kaya mag-aabroad dahil kung ako walang pamilya at sarili ko lang iniisip ko e di kahit lang din magtanim lang ako dito ok na. Basta ang importante e "MAG-IPON" pag nsa abroad. Marami ang walang napapala sa pag-aabroad dahil komo kumikita ng malaki e sige ang gastos dito gastos doon.. kaya ayun, pabalik balik sa abroad at mas lalong tumatagal ang pagkawalay sa pamilya. Kelangan me goal ka talaga na susundin, halimbawa iisipin mo na kelangan 5 years ka lang mag-aabroad at by that time e meron ka nang naipon na ganitong amount to be able to start your own business or pwede ding while abroad, you invest your money wisely with the help of your spouse para kumikita din.
    minsan mahirap din sabihin kung ilang taon or tama na nga ba yong 5 yrs abroad,,sa hirap ng buhay ngayon di mo maiwasan yong pabalik-balik abroad.

  12. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #12
    Quote Originally Posted by spearhead_970 View Post
    sipag at tiyaga kailangan mo pag nagwork abroad!!
    dagdag natin natin mag tipid.
    tutuo sabi ni Bro graphire,
    kahit maganda at malaki ang kita kung inaabuso naman natin ang laki ng sweldo sa mga wala katuturan na gastos.wala din tayo naipupundar .
    sana isipin natin ang mga panahon na nasasayang (araw na di kasama mga anak at gabi na hindi katabi at kayakap si misis)

  13. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #13
    Quote Originally Posted by spearhead_970 View Post
    minsan mahirap din sabihin kung ilang taon or tama na nga ba yong 5 yrs abroad,,sa hirap ng buhay ngayon di mo maiwasan yong pabalik-balik abroad.
    mahirap nga mag set ng time table ,kung hanggang or ilan taon mo lang gusto maging OFW ,kahit sabhin mo last contract mo na kamo ito .pero pag dating ng due ng contract mo ,nag ka problema ka ng malaki sa Pera or matindi ang needs mo..di ka talaga makapagresign lalo na wala or hindi sapat ang ipon ..

    AFAIK ..
    may mga tsikoteer tayo na may monthly income na 100K to 200K .pero pabalik balik pa rin sa pag abroad,di pa cguro sapat ang ipon nila at marami pa project sa buhay

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #14
    Being a former OFW for 8 years, heto lang masasabi ko.

    1. Kung hindi ninyo kaya mawalay sa pamilya nyo, then don't go work abroad.

    2. Don't be a tourist, remember that you went there to "earn" money not to splurge on electronics, nike/doc martens and jewelries. I've seen them all, believe me.

    3. Kung hindi kayo marunong makibagay sa ibang tao/lahi/kultura, then forget it, don't even think about working abroad.

    my 2 cents.

  15. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    375
    #15
    Quote Originally Posted by Fast Eddie View Post
    importante sa akin na makapiling kong pamilya ko. di na bale, kahit magtanim na lang ako basta meron makain araw-araw, basta di lang ako mapalayo sa pamilya ko.
    Simpleng solusyon? Kung pwede mong dalhin ang pamilya mo, isama mo. May mga bansa at trabahong ideal naman na isama mo ang pamilya mo, tulad ng Singapore.

  16. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    375
    #16
    ...And since the started asked about advice, set a goal. If possible, make a short-, a mid- and a long-term goal. Not bragging or anything but I'll set my own experiences as an example.

    Like you, I used to work in the Phils. (actually dati kong ka office mate si RevoGSX). Ok lang ang trabaho at sweldo pero madaming utang. Made a decision with my wife that I will go to Singapore to work with the following goals:

    1. short term: make money to pay off all debts.
    2. mid term: make money to finance our immigration to Australia.
    3. long term: immigrate to Australia.

    I did all that in 3 years of working in Singapore. Ngayon nasa Australia na kaming lahat at, syempre, iba na yung mga goals namin.

    And to add another advice sa mga nag iisip mag OFW:

    'Kung talagang ayaw, maraming dahilan. Kung talagang gusto, gagawa't gagawa ng paraan.'

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #17
    hindi ako tatanda sa australia....before 36 kailangan nasa pinas na ako..para mag-enjoy...

  18. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #18
    3. Kung hindi kayo marunong makibagay sa ibang tao/lahi/kultura, then forget it, don't even think about working abroad.
    right, kung maikli din ang pacensia mo ,mag isip isip ka mag abroad

    baka mapahamak ka din lang

  19. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #19
    Meron kaming ex-officemate na gusto naming katukin ang ulo. Wala pa siyang 6 months resigned para magtrabaho sa Dubai, gusto na agad bumalik. Hindi na daw niya matagalan ang homesickness dun. Palibhasa'y kwelang tao, wala siyang kabatuhan ng mga punchlines niya. Hindi na rin daw niya matagalan ang amoy ng mga kliyente niya. Tapos ilang beses na siyang hina-harass ng mga taxi driver (hindi kasi nagpatubo ng bigote eh). He decided not to renew his contract, babalik na daw siya this November.

    Kami yung nanghihinayang, single pa kasi yung bata. Yung monthly salary niya sa Dubai, hindi niya makukuha dito nang isang taon. Kayang-kaya niyang mag-ipon kahit konti, nagpakahirap siyang lumipad dun pero aatras din pala. Tapos hindi pa sigurado kung meron pa siyang babalikan dito sa office, syempre kasi may pumalit na sa kanya.

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #20
    Quote Originally Posted by BoEinG_747 View Post
    AFAIK ..
    may mga tsikoteer tayo na may monthly income na 100K to 200K .pero pabalik balik pa rin sa pag abroad,di pa cguro sapat ang ipon nila at marami pa project sa buhay
    hindi po dahil di pa sapat ang ipon kundi saan naman namin kukunin yung ganun kalaki na sweldo sa pinas? kahit sa business mahirapan kumita ng 100k/month, di pa sure kung papatok. e kung malugi e di balik abroad ulit, umpisa na naman, new hire? better the devil you know than the devil you don't know. don't jump if you are not sure where you are going to fall. don't let go of what you're holding on to with your left hand if you have nothing to hold on with your right hand....

    advice?

    1. sipag. don't even think of working overseas if you will hide everytime there is work to be done. working long hours is not "sipsep", it is making yourself get noticed that you are dedicated to the job. i knew people who disappeared each time there is a problem, they are the first people to get fired. I know because i just fired 1 such person last week.

    2. tyaga. unless you are a genius (and therefore ask yourself why you need to work for someone else!), you will not get the position you want in 1 year, or 5 years. as long as the posibility exist and you are willing to work for it and wait then it will come.

    3. continuos improvement and training. remember, if you don't have the potential to be promoted then they don't want you.

    4. it is not enough to do your best if you want to succeed. excel in everything you do.

    5. honesty. you can always buy your own tools to DIY on your car, but you won't be able to buy a car if you get fired for stealing a $30 screw driver set. i knew someone who was getting a monthly pay of US$7000 (american) but was fired for stealing tools (and yes, it included a set of screw drivers!)

    6. integrity. nobody trusts anybody who lies, and neither does your employer.

    7. kung ang balak mo ay sandali ka lang sa abroad, then save and invest your money, don't splurge. at wag mo ipamigay ang pera mo kung bakasyon at buong barangay e bibigyan mo ng pasalubong. bahala sila sa buhay nila dahil pag nawalan ka ng trabaho sigurado ko ay yan din ang sasabihin nila sa iyo, bahala ka sa buhay mo.

    8. kung long term naman, humanap ka ng company na permanent employment ang offer at may pension plan. at least malimutan mo man mag-invest ay may pension ka na pag tanda mo.

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
So gusto mong maging OFW?