Nag-file na dati, tapos inatras. Tapos ngayon eto na naman, not sure kung SOP lang to ng RTC or nag-file na naman sya ng case.
Last time, dumaan pa nga ako dun sa isang restaurant ng company nila, sabi sakin nung GM which happens to her close friend eh natutuwa pa nga sakin at ginawa ko lahat ng dapat kong gawin. I don't know where this came from, feeling ko parang na-backstab ako kung kinasuhan nga ako ulit.
Okay lang sana kung laban sa laban eh, kaso syempre magbubusiness din ako hassle naman to for me and my partners pag nakaron ako ng record.
Eto brief lang kita, Araneta Ave around 4PM nabangga ko ung tricycle tas passenger sya. GREEN light tapos patawid ung tricycle na naka-stop biglang humarurot sa 4 lane ng southbound ng Araneta eh dun pa mismo sa 4th lane pumunta. Ang luwag luwag ng 1st-3rd lane. Buti nakaiwas ung mga nasa likod ko sakin pati sa kanila, kundi baka nasagasaan pa sila. Sinagot ko lahat ng hospital bills, later recovered from my in-house insurance.
Tas un sabi nya pinatawad na daw nya ako and ung driver ng trike, and sana ganon din daw ako since alam naman nya na ung driver may kasalanan - in the first place ayaw nya talaga dumaan dun and nagpumilit pa ung driver. Underage ang driver, walang franchise ung tricycle.