naisip ko lang na ipost to kasi kahapon nastuck ako sa elevator sa discovery sa ortigas sa 11th floor coming from the 12th, mga 20 minutes din ako naghintay kasi di gumana yung emergency button buzzer (ito yata yung nakadiretso sa technical nila kapag nagkaroon ng ganoong situation), so i reamined calm and just called a friend of mine na nagttrabaho doon na ipaalam sa isa sa mga technical na nastuck ako (whew.. buti may signal) hehe.. so after mga 20 mins. yun gumana ulit yung elevator at bumukas sa 10th floor, kaya pagkalabas ko nagapologize sakin yung mga tao dun sa inconvenience pero di naman ako nagalit kasi, di naman talaga maiiwasan yun mangyari minsan.. just glad na nakalabas nako so instead na magelevator naghagdan nalang ako mahirap nang matsambahan ulit. kayo?