taliba:

SAMAR — Niresbakan ni kamatayan ang isang elementary principal sa Samar makaraang atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo na kapwa guro sa Catbalogan kahapon ng umaga.

Bandang alas-11 ng umaga kahapon nang ideklarang patay matapos isugod sa ospital ang biktimang punong-guro na itinago ang pagkikilanlan dahil sa kahihiyang idudulot sa pamilya.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi pumasok sa opisina ang nasabing 45-anyos na principal ng pampublikong paaralang elementarya at ang kanyang kalaguyong guro na itinago sa pangalang Ma’am Vanesa, 42, naninirahan sa Calbayog City.

Ganap na alas-9 ng umaga nang magkasundo ang magkalaguyo na mag-check-in sa isang sikat na hotel sa Samar para idaos ang kanilang imoralidad at pagkahayok sa isa’t isa.

Napag-alamang habang nagtatalik ang magkalaguyo ay biglang hinawakan ng biktima ang kanyang dibdib at animo’y hinahabol ang hininga kaya naman mabilis na tumawag ng saklolo ang babae sa mga tauhan ng hotel at pinagtulungang dalhin sa ospital ang lalaki.

Lumitaw sa pagsusuri ng mga doktor, uminom ng medisina ang biktima upang madagdagan ng lakas sa pagtatalik sa kanyang kalaguyo.

Nabatid na mahina ang heartbeat ng biktima kaya hindi niya nakayanan ang extra potentness na ininom para sa ***.

Nakiusap sa PSN ang pamilya ng biktima na itago ang pangalan ng dalawa at tirahan upang iwasan ang kahihiyang dulot ng insidente.
:naughty:
================================================== =====
ung mga mahilig uminom ng mga *** pills dyan, dahan-dahan lang
pwede palang ma heart attack sa mga ito.