Results 1 to 10 of 26
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2006
- Posts
- 235
September 21st, 2006 04:53 AM #1taliba:
SAMAR — Niresbakan ni kamatayan ang isang elementary principal sa Samar makaraang atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo na kapwa guro sa Catbalogan kahapon ng umaga.
Bandang alas-11 ng umaga kahapon nang ideklarang patay matapos isugod sa ospital ang biktimang punong-guro na itinago ang pagkikilanlan dahil sa kahihiyang idudulot sa pamilya.
Ayon sa mga nakasaksi, hindi pumasok sa opisina ang nasabing 45-anyos na principal ng pampublikong paaralang elementarya at ang kanyang kalaguyong guro na itinago sa pangalang Ma’am Vanesa, 42, naninirahan sa Calbayog City.
Ganap na alas-9 ng umaga nang magkasundo ang magkalaguyo na mag-check-in sa isang sikat na hotel sa Samar para idaos ang kanilang imoralidad at pagkahayok sa isa’t isa.
Napag-alamang habang nagtatalik ang magkalaguyo ay biglang hinawakan ng biktima ang kanyang dibdib at animo’y hinahabol ang hininga kaya naman mabilis na tumawag ng saklolo ang babae sa mga tauhan ng hotel at pinagtulungang dalhin sa ospital ang lalaki.
Lumitaw sa pagsusuri ng mga doktor, uminom ng medisina ang biktima upang madagdagan ng lakas sa pagtatalik sa kanyang kalaguyo.
Nabatid na mahina ang heartbeat ng biktima kaya hindi niya nakayanan ang extra potentness na ininom para sa ***.
Nakiusap sa PSN ang pamilya ng biktima na itago ang pangalan ng dalawa at tirahan upang iwasan ang kahihiyang dulot ng insidente.
:naughty:
================================================== =====
ung mga mahilig uminom ng mga *** pills dyan, dahan-dahan lang
pwede palang ma heart attack sa mga ito.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2004
- Posts
- 434
September 21st, 2006 07:16 AM #2naku yari si principal
yes mga tsikoteers mga *** pills can have a bad effect on you specially those with heart conditions. inaakyat kasi ang blood pressure mo. so kung high blood ka na. sinabayan pa nyang *** pills. lagot
-
September 21st, 2006 07:26 AM #3
if we're all gonna die someday, i can't think of a better way to go
-
September 21st, 2006 07:30 AM #4
Looking down at my little locomotive....... I don't need no stinkin boner pills. At least, not until I'm 70.
I guess I should express my condolences for the guy........
-
September 21st, 2006 07:43 AM #5Ganap na alas-9 ng umaga nang magkasundo ang magkalaguyo na mag-check-in sa isang sikat na hotel sa Samar para idaos ang kanilang imoralidad at pagkahayok sa isa’t isa. (
napaka-aga naman kasi eh.. at talagang sa isang sikat na hotel pa nila idinaos ang pagkahayok nila ha..
ingat lang po sa paggamit ng "drugs"
RIP
-
-
September 21st, 2006 08:17 AM #7
Tsk tsk....
The risks and the possible harrowing price you have to pay for your eagerness for a most-remembered 'performance'
RIP.
-
-
September 21st, 2006 08:29 AM #9
Halos lahat naman gumagawa ng ganito (may hidden dark secret)...Nagkataon lang inalat si sir!!
-
September 21st, 2006 10:18 AM #10
First there was the girl and the cellphone, now this? Saan niyo ba napagkukukuha ang mga balitang iyan? hehehe.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
With this sort of gadget the thing to keep in mind is "you get what you pay for". I've been in...
Rear view mirror dashcam, help me choose...