Sa mga kainan maraming kaso nito. Halimbawa may nakasabay ako sa isang fast food chain nag-order ng meal na may package na softdrink. E kaso sira yung mixer nung fast food chain, so nag offer naman itong si cashier kung gusto daw niya e juice na lang or iced tea, so um-oo naman yung mama, tapos nung nagbabayad na, kulang daw ng P10 yung bayad niya. Nakipag argue naman yung mama, e hindi ko naman gusto yung juice na yan e kaso kayo naman ang hindi makapag deliver sa package na offered ninyo e kaya hindi dapat ipasa sa customer yung kulang. Which sa tingin ko makes sense. Pero in the end kahit masama sa loob nung mama, siguro naisip din niya na 10 lang din naman yun e binayaran na rin niya.
Yung hipag ko naman nag order ng green mango shake sa Italliani's. Pag dating ng order ay three mango shakes ang dumating. Ang argument naman ng waitress ay ni-repeat order naman daw niya so dapat doon pa lang ay ni cancel na yung 3 mango shakes (which leads to another question, do you always listen when they read back your order?). Nakipag talo pa rin yung hipag ko pero in the end naawa naman siya dun sa waitress kasi sila daw magbabayad nun so binayaran na rin nila.
Ako naman pinaka matinding experience ko, pasensyoso akong tao, pero grabe namuti ang mata ko kahihintay ng order ko sa isang kainan sa Antipolo, hindi ko matandaan kung sa Padi's ba yun or sa isang katulad nun, medyo matagal na rin nangyari. E kaya naman pala namumuti na yung mata ko kahihintay ng order ko, e out of stock pala yung na order ko at nalimutan naman akong i-inform nung waiter na wala pala akong pagkain na hinihintay.




Reply With Quote