New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

View Poll Results: How do you handle bad service?

Voters
25. You may not vote on this poll
  • Pagbigyan na lang, nakaka-awa e.

    1 4.00%
  • Pag may katwiran, ipaglaban.

    7 28.00%
  • Kahit anong situation basta depende sa mood ko.

    4 16.00%
  • Depende sa situation.

    13 52.00%
Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 40
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #1
    Sa mga kainan maraming kaso nito. Halimbawa may nakasabay ako sa isang fast food chain nag-order ng meal na may package na softdrink. E kaso sira yung mixer nung fast food chain, so nag offer naman itong si cashier kung gusto daw niya e juice na lang or iced tea, so um-oo naman yung mama, tapos nung nagbabayad na, kulang daw ng P10 yung bayad niya. Nakipag argue naman yung mama, e hindi ko naman gusto yung juice na yan e kaso kayo naman ang hindi makapag deliver sa package na offered ninyo e kaya hindi dapat ipasa sa customer yung kulang. Which sa tingin ko makes sense. Pero in the end kahit masama sa loob nung mama, siguro naisip din niya na 10 lang din naman yun e binayaran na rin niya.

    Yung hipag ko naman nag order ng green mango shake sa Italliani's. Pag dating ng order ay three mango shakes ang dumating. Ang argument naman ng waitress ay ni-repeat order naman daw niya so dapat doon pa lang ay ni cancel na yung 3 mango shakes (which leads to another question, do you always listen when they read back your order?). Nakipag talo pa rin yung hipag ko pero in the end naawa naman siya dun sa waitress kasi sila daw magbabayad nun so binayaran na rin nila.

    Ako naman pinaka matinding experience ko, pasensyoso akong tao, pero grabe namuti ang mata ko kahihintay ng order ko sa isang kainan sa Antipolo, hindi ko matandaan kung sa Padi's ba yun or sa isang katulad nun, medyo matagal na rin nangyari. E kaya naman pala namumuti na yung mata ko kahihintay ng order ko, e out of stock pala yung na order ko at nalimutan naman akong i-inform nung waiter na wala pala akong pagkain na hinihintay.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Ako inirereklamo ko agad yung bad service.

    Like yung nangyari sa Kabalen. Yung fried chicken nila sa buffet, ILADO! May amoy na. Nireklamo ko yun, pero inalis lang nila yung mabahong fried chicken. Parang walang nangyari. Mula noon di na kami kumain sa lintek na Kabalen na yan. (Makati branch).

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #3
    sa china.. hiningi ko yung bill.. pag balik.. may dalang beer!

    sa Dad's buffet din.. minsan sa hapon.. nilalabas lang nila ulit yung natira nung lunch.. yung laing natyempuhan ko.. amoy panis na.. tinawag ko yung manager.. sabi ko panis na.. at lilipat na lang kako kami.. na maraming nakarinig.. tapos we left..

    sa jollibee naman breakfast.. nabuhusan yata nang asin yung garlic rice.. aba sobrang alat... eh wala pa daw plain rice.. i asked for a refund..

    sa KFC naman malimit may dugo pa yung chicken.. sinasauli ko.. kinakain ko muna yung balat syempre.. nangyari na naka 3 palit.. lahat may dugo.. nagpa refund na lang din ako

  4. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #4
    Meron pang nangyari sa amin, hindi naman kainan, sa AstroPlus. Kasi pumunta kami ng Baguio, tapos wala kaming maisip na magandang ipasalubong sa mga bata, so naisip namin bili na lang ng siguradong magugustuhan nila (toys). E tamang tama may nakita kaming cartridge ng TMNT sa AstroPlus sa SM Baguio, syempre pina test naman namin doon, tapos tinanong namin kung if in case e may nakitang defect someother time e kung pwede ipalit sa ibang branch. E pwede naman daw so binili na namin. Tapos nung nandito na sa manila nilalaro na, hanggang level 1 lang pala gumagana tapos nag ha-hang na, so naghanap kami ng AstroPlus na may stock ng TMNT na gameboy cartridge, tapos nakakita kami sa Robinson's Galeria. Pag dating namin doon, ang sabi nung attendant e hindi daw pwede ipalit, with a matching smug attitude. Nanginginig na ako sa galit, hindi dahil sa ayaw niyang palitan, kundi dahil sa katarayan nung babae. Ang dami pang sinabi kesyo dapat daw e tinest namin doon, e sabi ko tinest naman namin, pero syempre hindi namin sinubukan hanggang sa matapos medyo matagal din yun no? Sabi ko o sige pakausap na lang sa supervisor or manager. Sya lang daw ang humahawak doon sa games section, wala siyang manager.

    Tinawagan ko yung kausap ko sa Astro Baguio. Kasi syempre isa sa kanila either nagsisinungaling or hindi alam kung ano ginagawa niya. Sabi naman niya pwede daw. Tapos tinawagan niya yung nag ha-handle sa Gale, ayun maya maya lang pinalitan na. Hindi siya makatingin ng diretso sa amin, pero hindi din siya humingi ng dispensa, hindi din siya nag explain. Ako naman nanginginig pa rin sa asar pero hindi ko na lang pinatulan, kasi kasama namin yung dalawang tsikitings away ko sila maka witness ng argument.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #5
    tandaan nyo sa mga ganyan.. the customer is always right.. kasi may pinanghahawakang business yang mga yan.. ayaw nila masira.. so kung sa palagay nyo tama kayo.. eh di pagpilitan nyong tama kayo..

    meron pa akong isang experience sa Office1 store.. bumili kami nang shredder.. eh mali yung info na binigay nung babae.. sabi nung babae.. yung model daw na yun eh crisscross.. tapos di ayos na.. by phone lang.. nag order na tapos nung nideliver.. ay di pala crisscross.. eh nakaalis na sila.. so tawag agad ako.. sabi ko mali.. eh ni accept na daw.. ayaw pumayag palitan at hindi naman daw sira.. so i emailed their country manager.. ayun.. same day pinalitan..

    sa sony din.. may promo sila 5 years ago.. pag bumili daw nung digicam.. ang nakalagay sa website extended yung warranty to 3 years.. tapos nung bumili ako.. 1 year lang daw warranty.. sabi ko eh ano yung nakalagay sa website.. eh typo daw.. aba.. so nag reklamo ako dito sa office nila sa enterprise... pinuntahan namin yung website.. ayun 3 years nga nakalagay.. ay typo nga daw.. so binago nila.. pero they honored the 3 years extended warranty sa akin, nagpasalamat pa yung head for letting them know daw na may typo don sa website nila..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #6
    sa manager ako nagrereklamo, o kaya naman to someone na mas mataas ang rank dun sa hindi ko nagustuhan ang service

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    403
    #7
    bad service? i let the wife do the talking

  8. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #8
    cancel my orders and leave specially sa mga resto.mahirap na at baka kung ano ilagay sa inorder mo e.

  9. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    51
    #9
    a. Tama si customer. Besides, baka raket lang yung sirang mixer. Aba, +10 sa bawat customer malaking bagay yun ha. Baka isang regular pay dun na nila makuha.

    b. Dapat manager na kinausap dito kasi isa ito sa mga trabaho niya. Plus, hindi siya direktang apektado dun sa pagkakamali ng nagserve. Anyway, dapat lang na makinig kapag inulit yung order kasi ginawa nga iyan para maiwasan yung mga ganitong scenario.

    c. Madalas mangyari sakin iyan, tipo bang overworked na salivary glands mo sabay bitin.

    Kapag sobrang palpak ng isang kainan, cancel lahat ng order para kwits sa abala. Mahirap na, baka kung anu anong makain ko. Minsan yung iba sobrang k**** hahabulin ka pa at makikipagtalo. Talk to the hand syempre, wala naman silang magagawa. Plus, sa malamang naturuan mo sila ng leksyon kasi sila sila maghahati hati dun. Paano nalang kung 2k+ yung bill mo? Tulad nung nakatabi ko sa isang Chinese resto na nag-alburoto din. :lol:

  10. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    26
    #10
    Quote Originally Posted by VtEC View Post
    cancel my orders and leave specially sa mga resto.mahirap na at baka kung ano ilagay sa inorder mo e.
    Pareho tayo bro, ako I call the highest ranking officer and tell them the problem then I cancel my order coz usually gumaganti ung mga waiters & servers (by using secret signs to their kitchen crew counterparts) na lagyan ng dura, ihi, etc. I don't even accept vouchers, rebates, discount cards, etc.

    Then I find some connection to the head office/owner/president and tell them personally of the incident para magawan ng paraan at hindi na maulit to other customers.

  11. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    565
    #11
    Quote Originally Posted by VtEC View Post
    cancel my orders and leave specially sa mga resto.mahirap na at baka kung ano ilagay sa inorder mo e.
    yup, same here, baka kung ano pang ilagay sa pag kain...

  12. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,047
    #12
    Quote Originally Posted by AnuVaYan View Post
    Nakipag talo pa rin yung hipag ko pero in the end naawa naman siya dun sa waitress kasi sila daw magbabayad nun so binayaran na rin nila.
    kawawa ang mga employees ng food service industry sa Pilipinas. bakit hinahayaan ng gobyerno na tratuhin ng ganito ang mga employees? ang isang pagkakamali (makabasag man ng pinggan or magkamali ng pagkuha ng order) ay hindi dapat binabawas sa sahud ng employee. yung mga ganitong pagkakamali ay kakambal ng ganitung uri ng negosyo. hindi mo maiiwasan yan.

  13. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    443
    #13
    medyo mahaba pasensya ko e...
    pag maliit na bagay lang hinahayaan ko na lang...
    naaawa kasi ako sa mga empleyado na pinapagalitan o kaya
    sa kanila ichina-charge yun mga maling order...

    i encountered a lot of bad services pero di ko pa nasubukan makipagtalo...
    all i need to know mahalata ko lang na napahiya yun nagkamali at nagsisisi and a simple apology oks na...

    wag lang malala yun ginawa nya ha...

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    779
    #14
    Quote Originally Posted by jazcker View Post
    medyo mahaba pasensya ko e...
    pag maliit na bagay lang hinahayaan ko na lang...
    naaawa kasi ako sa mga empleyado na pinapagalitan o kaya
    sa kanila ichina-charge yun mga maling order...

    i encountered a lot of bad services pero di ko pa nasubukan makipagtalo...
    all i need to know mahalata ko lang na napahiya yun nagkamali at nagsisisi and a simple apology oks na...

    wag lang malala yun ginawa nya ha...
    +1
    Basta nag sorry ok na wala nang argument pero cancel order pag sa resto
    Kahapon lang, sa Jollibee, almost 3/4 pa yung laman nang thigh part chicken ko, rice and diet coke, kumuha lang ako nang gravy sa counter, pag balik ko eh niligpit na yun kinakain ko, itatapon na sana
    Nag sorry naman yung crew. Sayang nga dapat hinayaan ko nalang maitapon para mapalitan nang bago. Ma ch-charge sa kanila yun eh noh? Kasama pa sermon nang Manager.

  15. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #15
    With a smile... All the time.....

    Huwag lang sila ulit magkakamali ng sagot/ gagawin......

    3707:seesaw:

  16. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #16
    Kinakausap ko naman ng maayos ung nirereklamuhan ko. Explain before you complain LOL.

    Pero may isang beses, umiyak ung kasama ko dahil sabi nung babae, binigay na daw sukli sa friend ko. pero hindi pa naman pala. sukli nya mga 450 pa naman. Di ko matiis, pinagalitan ko ng todo ung mga tao dun. Tas umalis kami. Hinabol naman kami nung manager, nagsorry tas pagpasensyahan daw kasi masungit talaga ung kasama nya.

    Ka-vibes naman namin ung manager, kaya dun pa rin kami kumakain.

    Di ko na uulitin un, nakakahiya eh. :lol:

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #17
    kinakausap ko kung sino dapat kausapin kapag di tama ang serbisyo....and i insist kung ayaw ko.

  18. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    187
    #18
    pagdating ko sa table eh nagaabot na ako ng tip. di pa naman nagkakaroon ng pagkakamali. dagdag na lang pag maganda talaga service. pag pangit service, mahinahon ako magrereklamo at cancel na order. always remember pag food server, nasa loob ang kulo nyan. pag maliit na bagay lang naman, binubulong ko na lang. baka mamaya kasi mapahiya sila. di rin ako tumatanggap ng free meal pag result ng bad service dahil pangit yata kumain ng di binabayaran. sumakit pa tiyan ng mga anak ko at ni kumander.

  19. Join Date
    May 2007
    Posts
    764
    #19
    Pinapabayaan ko na lang....pero di rin ako magbibigay ng tip.

  20. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    99
    #20
    ang pinaka worst na ginawa ko...

    at an overlooking resto sa tagaytay... waiting for an order for like 40min, nauna pang serve yung kabilang table na bagong dating. Follow up waiter... 15 min wala pa rin. nag nakita ng wife ko na serve na, tayo kami ng pamilya ko at sinabi na cancel na lang... TAGAL ng service.

    convince nila kami na luto at serve na, humingi ako ng discount... di daw pwede. umalis na lang kami at nag mushroom burger... mura pa.

Page 1 of 2 12 LastLast
How do you handle bad service?