
Originally Posted by
ninjababez
medyo matagal ko na tinago itong nararamdaman ko.
almost a month ago, na confine tito and tita ko after mag grocery. nag stock sila dahil nga sa sinabing pwede magkaroon ng lockdown. sobrang busy ko rin simula nun lockdown (naging field work dahil sa.deployment) kaya twice ko lang natawagan sa hospital tito ko, and messenger naman tita ko. pinag hiwalay sila ng room kasi tita ko negative pero tito ko positive. yun tita ko marami pwede complications like diabetes and hiblood pressure etc. last week namatay tito ko, i never cried until yesterday. nakita ko kasi vid nya habang nag carwash ng auto ng pinsan ko. bigla ko naalala na pareho sila ni erpats na mahilig at maalaga sa auto.
naalala ko rin sya lagi ko ka debate sa kung ano anong bagay, tapos tatawanan lang kami kasi minsan nagkaka inisan lang. ngayon nalukungkot nanaman ako, ka cremate lang kanina 2pm. tapos yun mom ko, titos and titas ko and nasa video chat. hanggang ngayon ayaw ko pakita sa kanila kung gaano ako ka devastated sa nangyari. kailangan maging matigas ako sa para sa kanila. kailangan di ko makalimutan pagsabihan mga pinsan ko na maglinis bago pumasok sa bahay galing cremation ceremony. kailangan ko patawanin sila, dahil ayaw ko nalukungkot sila.
ang sakit pala talaga pang yun tito mo ay isa lang dun sa number ng namatay.
sorry tsikot dito ko nailabas ito.
Sent from my MI MAX 3 using Tapatalk