Nagpagawa kami ng gate na natapos lang this February. After few weeks/days hirap na isara at buksan, gumagalaw daw yung lupa ng isang poste, lumulubog ng ilang mm. Baka daw yung ginagawang village malapit sa amin, maraming heavy equipment at nagpapatag at nagtatabon ng creek.
Sabi nung gumawa eh hindi daw makakatulong yung pag lagay ng tubo sa taas ng poste between the 2 post as brace. Hintayin na lang daw mag settle yung lupa then pa adjust yung gate. Baka daw ma hatak lang yung isang poste.
Meron naman nag suggest sa akin na makakatulong daw yung brace gitna ng poste. Iniisip ko baka ayaw lang gawin nung gumawa dahil fully paid na. Although na adjust nya yung welding para mas malayo ng konti yung 2 pinto ng gate at madali masara.
Sent from my Mi 9T Pro using
Tsikot Forums mobile app