Eto yung stereotype ko sa big 3:
UP - Ang graduates nito typical na mga pang academe at research. Kadalasan sila ang mga consultant sa iba't ibang business at government agencies. More on intellectual development ang batayan ng success kaysa net worth. Dito ka din madalas magkakaroon ng classmates na mga halimaw talaga utak tipong member ng 6 orgs, may frat/soro pa, varsity, may lovelife, pero ang tataas pa rin ng grades tas hindi pa nagkukulang sa tulog. Yan yung mga makinig lang sa lecture sa classroom naiintindihan na agad yung topic di na gaano kailangan magreview. Mabisyo rin mga tao dito ang lalakas magyosi at lango sa alak.
DLSU - Dito naman mga anak ng business owners, yung pinagaral sila ng college to focus on expanding their network at magagamit yun sa business nila. Past few years nga nanotice ko pag may set kami na meeting with other contractors and potential clients ay mga 2nd generation na ng family yung nagmamanage ng business nila, at most of the time DLSU graduate yung mga 2nd generation. One time naman may nameet din ako nung sinama ako ng isang friend ko sa isang galaan eh anak pala ng isang popular restaurant chain dito sa ph yung isang kasama namin. House parties daw ang trip ng mga estudyante dito at international travels with friends. Tingin ko sila din pinaka conscious sa pormahan at fashion, yung mga schoolmate ko nung hs na walang pakeelam sa porma eh biglang ang titindi manamit ngayon nasanay daw sa dlsu dahil kailangan daw makipagsabayan talaga dun sa pormahan haha.
ADMU - Puro chinese mga estudyante. Forte nila management courses. Mukhang sila naman pinakamagaling sa sports among big 3, dito pa lang sa subdivision namin eh ang lalakas magbasketball ng mga admu graduates dito. Tapos minsan pag dun kami kumakain or inom dati sa popup katipunan nakikita ko mga bagets na admu at miriam students dun sobrang wild din nila nagwawala dun sa gitna haha


Reply With Quote


Seriously kags, I assume you never worked in corporate because having zero knowledge from school won't let you survive in a corporate setting. May mga napo promote na magaling lang magsalita at mamulitika but they still have SOME knowledge. 
