New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 33 FirstFirst 12345612 ... LastLast
Results 11 to 20 of 322
  1. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    260
    #11
    Share ko na rin to, true story:

    Dati nakatira kami sa apartment, sa may bambang. Daming sighting talaga diyan. Noon bata ako, naglalaro kami sa gabi. Takbo ako sa isang kwarto, patay ang ilaw. Room kasi ito ng maid namin, laking kwarto talaga. Paglingon ko sa kanan ko, nakita ko may 2 mata nakatitig sa kin. Madilim kasi kaya sumilaw ang mata, nakatitig sa kin. op cors, takbo agad ako.

    Same apartment. 2 kong kapatid naglalaro sa sala. Yung nagisa na siya, may kumalabit sa likod niya. Paglingon niya, wala naman tao. :whoa:

    Same apartment. Habang nasa funeral kami para magpaalam na sa lola namin (namatay siya), ang naiwan sa bahay ay yung yaya namin atsaka yung isang kapatid ko. Bata pa yung kapatid ko, bitbit ng yaya ko. Yung florescent sa sala namin may sira. Pag binukas mo, kumikislap lang. Yung yaya namin nagtataka kung bakit kumikislap. Pagtingin niya, isang babae daw nakatayo sa sala, tumingin sa kanya pagtapos ngumiti. nagresign ang maid namin.

    Same apartment. Ito ang main event. Ayaw pagusapan ng papa ko it. Magisa siya sa bedroom, nagbabasa ng libro sa kama. Pagtingin niya paharap, nakakita ng babae, puti ang damit, walang mukha kasi naka cover ng mahabang buhok. pagtapos yung kapit bahay namin sa baba umakyat, sabi daw niya may naramdaman din daw siya.

    Needless to say, we don't live there anymore. Pero yung multo na nagpakita sa papa ko, swerte daw yun eh sabi ni papa. It's hard to dismiss all of the above kasi daming nakakita, by different people pa.

  2. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,421
    #12
    wala akong kwento eh...but i dont believe in ghost.

  3. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    225
    #13
    exposed lang kayo sa malakas na electromagnetic/magnetic field...

  4. FrankDrebin Guest
    #14
    Originally posted by skipper
    exposed lang kayo sa malakas na electromagnetic/magnetic field...
    ...Voltes V? :D

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    466
    #15
    Originally posted by baiskee
    nyah! nawala yung kwento ko...haba-haba nung ti-nype ko eh.:mad: :D
    LOL * Baiskee,

    Pre, tumataas na ang balahibo ko habang binabasa ko ang thread na ito pero bigla akong natawa pagdating sa post mo na nawala... may multo cguro sa tabi mo habang tina-type mo ung kwento mo. Ayaw cguro malaman ng multo ung istorya nya... kaya ayun nawala... ha ha ha...

    Pero wala akong balak makakita ng multo he he he he.

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,539
    #16
    pano ba nabubuksan ang third eye?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,286
    #17
    mahirap ang me third eye....I have a classmate previously na meron nyan, minsan daw eh gusto na nyang magpakamatay dahil di raw sya matahimik....

    minsan na me project study kami nung college, kagrupo ko sya at mag-overnite kami sa bahay nang isa naming kaklase....dun kami sa garage nila suppose to be na gagawa nang project namin since maluwang don at medyo magugulo nga kami, nakakahiya sa mga parents nya.... nung buksan namin yung pinto, sya ang unang pumasok since sya yung medyo free ang isang hand, kami dami naming bitbit na gamit, tapos bumukas agad yung ilaw, tapos me kinakausap sya don sa loob at nakangiti pa sya...nagkatinginan kami lahat dahil wala naman kaming nakikitang tao, nung makita nya reaction naming lahat eh nanlumo na lang sya, sori daw akala daw nya eh kasambahay doon yung nagbukas nang ilaw para sa amin....ayun siksikan na lang kami sa kwarto nya, kapag me gagamit nang CR sa baba, lahat kami kasama....hehehehe kinilabutan talaga ako dahil very normal daw ang hitsura nung kausap nya, malumanay magsalita...tapos nung breakfast na kinabukasan, nung bumaba yung mother nung classmate ko, (w/c is not very well at that time, me trangkaso yata kaya yung father nya ang nag-asikaso sa amin), napanganga yung classmate ko na me 3rd eye kasi kahawig daw sya nung kausap nya dun sa garahe last nite...ayun nagkatakutan na naman kami kahit umaga na, nung magkahalungkatan nang mga old albums, it turns out na ang nakausap nung friend ko eh yung lola nung mom nang classmate ko....napaiyak nang husto yung mom nya at nadala pa sa ospital....bunso raw kasi sya sa magkakapatid at sya ang fav. baby nang lola nya.....nung maliit pa raw sya eh everytime na me sakit sya eh nararamdaman daw nya na parang parating me nagbabantay sa kanya....nawala na lang nung lumaki na sya......


    well yon ang akala nya until the day na napunta kami don....

    and sabi daw nung 'lola' dun sa kaibigan ko na naunang pumasok at nagbukas nang ilaw eh...

    o pasok kayo mga iho, pasensya na muna kayo, me sakit kasi si din-din (tawag nung lola dun sa mom nung classmate namin) kaya medyo di maayos dito...naku papano ba yan baka magutom kayo....tapos nag-interupt yung kasama namin, saying, okey lang po, wag po nyo kaming alalahanin at me baon po naman kaming mga snacks.....


    hehehehe....

    dami ko pang unusual na incidents kapag kasama ko yung classmate ko na yon....

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,286
    #18
    hmmm teka.....parang me ganito nang thread dati dito,

    parang nai-post ko na yung kwento ko....


    o minumulto na rin ako???

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #19
    totoo iyang mga spirits pero ayoko makakita yaaaaaayyyy...............ishkeyri :devil: :dead:

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,286
    #20
    kahit dito sa HK parang meron din eh.... yung dati naming opis, me mga weird na nangyayari kapag ginagabi kami sa pag OT

Page 2 of 33 FirstFirst 12345612 ... LastLast
do you believe in ghost?