bukod sa mga taong may third eye, sixth sense, meron daw taong lapitin talaga sa ganyan...
noon, nauuna pa ako sa gwardiya ng Citibank noong nasa Robinson's Galleria pa ang collections department nila...minsan pumapasok ako ng 5 a.m....minsan naman ako rin ang pinaka late umuwi sa floor namin pero wala naman akong nararamdaman...pero kwento doon may mga gwardiya na nakakita na ng babaeng nakaputi doon... yikes!!!
Originally posted by wilcats pano ba nabubuksan ang third eye?
kung ako syo wag mo na tangkain buksan. :D
yung dating officemate ko...may third eye. kwento lang to ng isa sa kanila, 3 field executivves sila kaya one night checked in sila sa hotel sa may cabanatuan ata. natutulog na sila nun tapos bigla na lang naalimpungatan yung dalawa kasi nakita nilang nakaupo lang sa may couch yung isa(yung may 3rd eye)..tinanong nila kung bakit di pa natutulog at maaga pa byahe nila papuntang manila. sabay sabing " eh itong mga to eh! (sabay turo sa paligid) ayaw akong patulugin, ang iingay!"
..yung dalawa, nagtinginan sabay talukbong ng kumot. nanay ko po!
hehehe baiskee, ganyan din yung classmate ko nung college.....hehehe
minsang sem. break, nag-overnite na inuman kami sa may batangas... nung malasing na eh kung sinu-sino na kausap na hindi namin nakikita..... tapos me bigla na lang syang ginaya na parang kabayong aso na tahol, humahagikhik pa nga eh....tanong nung isa naming kasama, ano naman yon? sabi ba naman eh 'yung nasa tabi ni Ronald, (sabay turo) ysya lang ang hindi nagsasalita eh... pinapanood lang tayo.......
sabi ko sa inyo nawala ang lasing ko pero natatandaan ko na nakalabas ako nang cottage na hindi ako dumaan sa pintuan sa takot.... tapos non eh nagparang discohan na yung loob nung cottage, patay-sindi na yung mga ilaw at saka parang me nagbabasag nang mga pinggan at baso pero wala naman kaming nakikita.... nag-campout na lang kami dun sa labas, walang tulugan, wala rin naman kaming sasakyan dahil umarkila lang kami at babalikan na lang kami kinabukasan para sunduin.....
nung madaling araw na, puro patawa na lang ang mga kwentuhan namin para medyo mawala yung takot, tapos sabi nung classmate namin eh andami na raw na nanonood sa amin.....pinatahimik na lang namin para di na mag-describe kung ano yung nakikita nya kasi nga madaldal na dahil lasing.....hehehehe andami naming naubos na lambanog don pero walang nakatulog sa kalasingan, wala ring gusto na mahimasmasan dahil baka raw sila nerbyusin sa takot....hehehehe
punta kayo pag gabi sa congressional avenue, sa #66 congressional avenue hehehe!
vacant lot di ba? story ng lot na yun, typhoon dading 1973 yata yun. nagiba ang bahay na nakatayo dun, may namatay na baby. since whole family nasa ospital e di naman alam ng mga ibang tao na may baby dun, hindi nalibing yung baby. sabi pa nga ng iba baka daw buhay pa yung baby nung sinugod sa hospital yung mga nakatira at namatay na lang kasi di na-rescue. after nailibing yung baby yung mga may-ari di na sila ulit nagpatayo ng bahay dun, umalis na punta US.
ngayon pag gabi at malakas ang hangin, tambay ka dun sa may iskinita na katabi ng vacant lot. may marinig ka umiiyak na baby. until now, 21 years later walang gusto bumili ng lot na yun kasi may multo.
lapit lang sa ermats ko yun kaya alam ko story e. nung maliliit pa kami pag gabi na di kami dumadaan dun sa iskinita, meron nga kasi umiiyak na baby talaga! peks man!
Last edited by yebo; October 29th, 2004 at 08:52 PM.
nakalimutan ko same house ng friend ko. 3 kami natulog sa kwart tapos yun iba ko friends sa kabilang kwarto. Patulog na kami nun tapos bigla kumatok yun iba namin kaibigan. Nagtanong ano daw happening, bakit parang ang saya saya daw namin sa kwarto. Wala naman kami ginagawa patulog na nga kami sabi namin. Kala nila kami yun nagtatawanan at sumisigaw. Natakot sila hehe iba narinig nila yun mumu.
Paano buksan ang third-eye, pwede ka magpalagay kay dr. vicky belo hehe
Buti pa yung mga ghost lumilipad na lang di kailangan nang kotse at makakatipid sa gas. Go anywhere pa sila at walang damage pag nabangga kasi lulusot lang.
Don't completely dismiss kung totoo ang mga multo. Dati akala ng mga tao Chemistry at Electromagnetism is magic. Pero naexplain ng science. Pero does this mean they don't exists? Akala panga nila witchcraft ang mga ganun.
Have you guys heard of the String Theory? Bagong Physics theory ito. It's a theory that unites law of eletromagnetism and law of gravity, one universal theory for everything. Suspek ng mga researcher na baka meron daw maraming dimension dito parallel our universe.
Ghosts might be just a glitch where we could accidentally peak into this other dimension. Kasi in our present state of physical self don't have the ability to see this other dimension. For example, we can't smell all the things dogs can smell. We can't hear all the things cats can hear.
this happened siguro mga 1982 pa..baby pa ako tapos buhat ako ng tita ko (na sobrang nerbyosa) tapos ate ko sa tabi niya..siguro mga 3-4 years old pa lang siya nun..kamamatay pa lang ng lolo ko nun..tapos sa base ng stairs namin, makikita yung door ng clinic ng lolo ko..nung paakyat na sila, yung ate ko nagbababay tapos nakatingin sa clinic..tanong ng tita ko kay ate, "sinong kausap mo???" sabi ni ate, "si lolo! ayun o! babay lolo, babay!!" tindig balahibo ni tita! haha
I don't doubt that ghosts exist. And I wouldn't mind seeing one either, much less talking to one.
One particular ghost I'd like to encounter is that of my maternal grandfather. War veteran siya, pero namatay bago pa ako ipanganak. Magpapakwento sana ako tungkol sa mga war exploits niya.
yung mga staff ko na nasa graveyard shift.. naririnig daw nila may nag-t-type sa keyboard ko pag madaling araw .. at may gumagalaw raw sa may cubicle ko .. pero walang tao .. kahit na lumipat kami ng building .. meron pa rin daw .. ayoko tuloy silang samahan sa shift na iyon at baka magkasalubong pa kami kung ano man gumagawa ng ingay na iyo .. hehe