Salamat mga bro sa mga opinion ninyo. Di ko pala nasabi nasa Malaysia ngayon ako. Madami na rin kasi nagsusulputan mga companies dito at inaalok ang cord blood banking. Madami na rin kasi kumukuha nito kaya nagcheck ako at may company na CryoCord sa Pilipinas.

Pero grabe Sir Yebo kung 500k pala diyan sa Pilipinas huwag na nga. Siguro dito nalang ako kukuha pag decided na ako.

Ang inoffer kasi sakin 5 vials storage for 21 years nasa Php 70,000+ lahat na yun. Ang isang company naman one storage bag nasa Php 14,000+ for 21 years at may annual fee Php 2,600+.

Konting research din muna ako.

Sir Yebo: Kahit huwag na magpainject si titosen, pera nanaman ng bayan ang gagamitin diyan.