
Originally Posted by
Black Hornet
Ako sir last December inubos ko yung mga stocks na 3W at 4W na LED bulbs from two CDR King branches mga 4 dosena yata yun costing I think nasa 150 to 180 pesos each kung di ako nagkamali kasi nagpalit kami ng mga ilaw sa bahay dahil mataas na yung bill sa kuryente pero bago ko nadiskubre na may ilaw sila nakabili na ako sa Ace Hardware ng 4 dozens din ng Akari brand na tig 400 to 450 pesos each. May 1 year warranty din naman yung LED bulbs nila so kahit mapundi sya after 1 year bawi na sa cost and laki din ng natipid ko dun sa presyo ng ilaw. So far ok din nman performance ng mga ilaw nila and maliwanag din. Plano ko ulit bumili nga another 2 dosena pa next month sa kanila kasi marami pa cfl na ilaw sa bahay na di pa napalitan.