Opinyon ko lang po ito at igagalang ko kung ano man ang side nyo.

Napapansin ko lang lalo na sa mga interview at anumang palabas sa tv na halos marami sa kanila pinipilit na mag-ingles, as in lahat ingles yong sinasabi nila kahit halata mong nahihirapang umisip ng isusunod na salita. Okey lang namang tag-lish dahil minsan mas maalwang sabihin sa ingles ang isang salita. Di ba kung Pilipino ka mas madaling unawain ang sariling wika. Pati na rin sa mga pagpupulong sa gobyerno kailangang sa ingles, eh di naman mga amerikano ang kausap nila. Nakakaasar.